GALIT na si resigned PCOO assistant secretary Esther Margaux Justiniano Uson, kaya mukhang ‘itinaga niya sa bato’ na tatakbo siya sa halalang gaganapin sa Mayo 2019.
Pero ang tanong, ano kayang posisyon ang target ni Mocha?!
Pirmis na ba siyang Senado ang aambisyonin niya?
Baka matulad lang siya sa sinabi ni ‘Tatay Digong’ kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya makasisilat ng panalo sa Senado?!
Mabibigat ang mga kalaban, hindi kayang tapatan ang pangalan, track record at achievements ng mga matutunog at liyamadong kandidato sa Senado lalo na ‘yung nasa hanay ng kababaihan.
Kung tayo ang tatanungin, isa-suggest natin kay Ms. Mocha na mag-party-list na lang siya.
Diyan mapapatunayan kung ‘yung limang milyong followers niya ay talagang solid sa kanya.
Kailangan lang pag-isipan kung paano maiko-convert sa boto ‘yang limang milyon na ‘yan.
Baka makadalawang seat pa sila kasama ang kanyang julalay na si Drew Olivar.
Ang tanong lang ulit, aabot pa kaya kung magpa-party-list sila?!
Pero sabi nga, nasa determinasyon lang ‘yan.
E alam naman nating lahat na punong-puno ng determinasyon si Mocha at hindi siya umaatras sa ganyang mga laban…
Hige nga… subukan na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap