Thursday , January 20 2022

Classic Layout

Zero fatal casualty sa pagdaraos ng Bagong Taon; 8 arestado sa paglabag sa paputok at baril (Sa Central Luzon)

KASUNOD ng pinaigting na operasyong isinagawa ng mga awtoridad sa Region 3 upang mapigil ang pagkalat ng ilegal na mga paputok at pailaw mula 15 Disyembre hanggang 1 Enero 2022, naaresto ang walo katao sa paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices), samantala, apat ang dinakip para sa …

Read More »
Bulacan Police PNP

10 pasaway kinalawit ng Bulacan PNP

MAGKAKASUNOD na inaresto sa serye ng mga operasyong ikinasa ng mga awtoridad ang 10 kataong pawang may paglabag sa batas, sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 2 Enero. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP,  dinakip ang apat sa mga suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug …

Read More »

Biktima sinaksak sa leeg, suspek patay (Sa hostage drama sa Antipolo, Rizal)

BINAWIAN ng buhay sa pagamutan ang suspek na pinagbabaril ng mga nagrespondeng pulis dahil sa pagtaga sa kanyang mga biktima sa naganap na hostage taking sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng umaga, unang araw ng Enero. Kinilala ni P/Lt. Col. June Paolo Abrazado, hepe ng Antipolo police, ang biktimang sinaksak sa leeg na si Teresa Lorena, …

Read More »

Leisure travel requests suspendido sa Baguio (Sa banta ng Omicron)

PANSAMANTALANG sinuspende ng pama­halaang lungsod ng Baguio ang pag-aproba ng leisure travel requests papasok dito kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19 cases at banta ng panibagong variant na Omicron. Sa kanilang advisory, sinabi ng Baguio Tourism Office na ang mga leisure travel requests sa ilalim ng Visitor Information and Travel Assistance (VISITA) platform ay pansa­man­talang suspendido …

Read More »

Puslit na ‘yosi’ nasakote sa Sulu

NASAMSAM ng mga awtoridad ang 31 kahon ng mga puslit na imported na sigarilyo sa bayan ng Indanan, lalawigan ng Sulu, nitong Sabado ng gabi, 1 Enero. Ayon kay P/Maj. Edwin Sapa, hepe ng Indanan PNP, natagpuan ng pulisya ang inaban­do­nang kontrabando habang nagpapatrolya sila sa Sitio Laum Niyog, Brgy. Kajatian, sa nabanggit na bayan. Naglalaman ang mga narekober na …

Read More »

3 dalagita nalunod patay (Sa La Union)

NAUWI sa trahedya ang selebrasyon ng bagong taon ng isang pamilya nang malunod at bawian ng buhay ang tatlong dala­gitang magpipinsan sa Balili River sa Brgy. Upper Bimmutubot, bayan ng Naguilian, lalawigan ng La Union, nitong Sabado, 1 Enero. Ayon sa pulisya, nag-picnic sa tabing ilog kasa­ma ng kanilang pamilya ang mga biktimang kinilalang sina Rona Joy Camarao, 17 anyos; …

Read More »

Piskal todas sa bala (Sa bisperas ng Bagong Taon)

PATAY ang 48-anyos assistant city prosecutor ng lungsod ng Trece Martires, sa lalawigan ng Cavite, matapos barilin sa harap ng kanyang bahay nitong Biyernes, 31 Disyembre, bisperas ng bagong taon. Ayon sa pulisya, dakong 7:38 am noong Biyernes nang lumabas ang biktimang kinilalang si Edilbert Mendoza, upang mag-ehersisyo sa kanilang bakuran sa Elysian Field Subdivision, Brgy. Cabuco, sa nabanggit na …

Read More »
Mathew Wright

Wright maglalaro na rin sa Japan

UNTI-UNTI ang ginaga­wang panunulot ng Japan B. League sa maga­galing na  Pinoy basketball players. Matunog ang balitang si Matthew Wright naman ang target nilang masungkit  sa susunod na taon. Balitang inaalok si Wright ng maximum na kontrata pagkatapos mapaso ang kontrata niya sa Phoenix Super LPG sa Agosto 2022. Tiyempong ito ang pag­sisimula ng bagong season ng Japan B. League. Sa …

Read More »

IM Dableo mapapalaban sa Estancia Mall Chess Tournament

PABORITO  si  International Master Ronald Dableo sa pagtulak ng Hon. Sen. Manny Pacquiao Over the Board Open chess tournament sa 7 Enero 2022, 10:00 am na gaganapin sa Estancia Mall sa Pasig City. Nagkampeon  si  Dableo  sa Pamaskong Handog ni  GM Rosendo Carreon Balinas, Jr., online chess tournament noong 23 Disyembre 2021.  Ngayon ay  target niyang makadale agad  ng titulo …

Read More »
Jerwin Ancajas

Ancajas vs Martinez para sa IBF title fight

NAKANSELA ang unification fight sa pagitan nina IBF junior bantam­weight champion Jerwin Ancajas at WBO titlist Kazuto Ioka, kaya maba­baling ang atensiyon ng Pinoy champ kay Fernando Daniel Martinez ng Argen­ti­na na pansamantalang ikinasa  sa 19 Pebrero sa New York o sa New Jersey. Ang itinakdang laban ni Ancajas kay Martinez ay nangyari dahil sa pag­kadiskarel ng laban ng IBF champ …

Read More »