Tuesday , December 16 2025

Blog Layout

Call center agent tumalon mula 10/F ng gusali

HINIHINALANG tumalon ang isang call center agent mula sa ika-10 palapag ng gusaling kanyang pinagtatrabahuan kahapon sa Makati City. Kinilala ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto T. Barlam ang biktimang si Wilson Binauhan, 27, call center agent sa SKYKES Marketing Incorporated, sa 5th floor, Glorietta 1, Ayala Center ng lungsod, residente ng 226 Calumpang Cerca, Indang, Cavite. Sa pagsisiyasat ni …

Read More »

P.1-M reward vs shooting suspect

MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya si Makati City Mayor Romulo ‘Kid’ Peña sa sino mang makapagtuturo sa pinaghahanap na barangay tanod na si Raymundo Liza. Si Liza ang bumaril at nakapatay sa 7-anyos na si Mark Angelo “Macmac” Diego at kay Edward Pascual. Sinabi ng alkalde, pag-uusapan pa lamang ng pamahalaan ang pinal na halaga ng pabuya, ngunit sa ngayon aniya …

Read More »

3 justices nagbitiw sa kaso ni Poe

NAGBITIW na ang tatlong justices ng Supreme Court (SC) na bumoto pabor sa pagdedeklarang hindi ‘iligible’ si Sen. Grace Poe sa 2013 senatorial election. Sa isang pahinang resolusyon ng high tribunal, nakasaad na nag-inhibit na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion na kapwa mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal, mula sa kasong …

Read More »

Matinding trapik sa NCR kayang ayusin — Palasyo (Amcham minaliit)

HINDI naniniwala ang Malacañang sa naging pagtaya ng American Chamber of Commerce (Amcham) na hindi na maaaring tirahan ng tao ang Metro Manila kung hindi mareresoba ang traffic congestion. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, may ginagawa na rito ang pamahalaan at ipinatutupad na upang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayang naninirahan at naghahanapbuhay sa NCR at kanugnog na rehiyon. …

Read More »

Biktima ng paputok umakyat na sa 839

UMAKYAT na sa 839 ang bilang ng naitalang naputukan ng firecrackers sa pagsalubong sa bagong taon. Ito ang iniulat ng Department of Health (DoH), batay sa pumasok na impormasyon sa nakalipas na magdamag. Nananatiling mas mababa ito ng isang porsiyento o katumbas ng 11 insidente kung ihahambing sa record sa kaparehong araw noong nakaraang taon. Gayonman, aminado ang DoH na …

Read More »

Driver patay, pasahero sugatan (Taxi sumalpok sa poste)

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 63-anyos taxi driver habang sugatan ang kanyang pasahero makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa poste ng signages sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Enforcement Unit, Sector 5, kinilala ang namatay na si Isidro Gayagot, ng C. Bernardino St., Gen. T. de Leon, …

Read More »

10-M deboto dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene

TINATAYANG aabot sa 10 milyong deboto ang dadagsa sa traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9. Inaasahang darami kung hindi man dodoble ang bilang ng mga deboto dahil natapat sa weekend ang prusisyon. Dahil dito, ayon kay MPD Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, bumuo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Task Force Nazareno na pangungunahan ni NCRPO …

Read More »

P106-M inilaan para sa bala ng fighter jets

NAGLAAN ang gobyerno ng P106.13 milyong pondo para sa ammunitions o bala ng bagong FA-50 fighter jets. Ayon kay Col. Restituto Padilla, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang naturang pondo ay ibibili ng 93,600 rounds of ammunition ng A50 modified gun system ng fighter jets. Kukunin ang pondo mula sa AFP Modernization Act Trust Fund. “These will …

Read More »

26 sugatan sa bus na nahulog sa bangin

NAGA CITY – Sugatan ang 26 katao makaraang mahulog ang isang pampasaherong bus sa bangin sa Brgy. Bagong Silang, Calauag, Quezon, pasado 11:30 p.m. kamakalawa. Ayon kay PO3 Arnel Asares ng PNP-Calauag, biyaheng Maynila galing Bicol ang Mega Bus Line na minamaneho ni Felicito Avelida nang mawalan ng kontrol at mahulog sa bangin. Pinaniniwalaang nakatulog ang driver ng bus na naging …

Read More »

26 pasahero ng jeep na tinangay sa Basilan nasagip ng pulisya

ZAMBOANGA CITY – Ligtas na narekober ng mga pulis ang 26 pasahero ng isang public utility jeepney (PUJ) na napaulat na tinangay ng armadong kalalakihan kasama ng kanilang sinasakyan sa Brgy. Pipil, Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa. Sa report mula sa Ungkaya Pukan municipal police station, nagmula ang naturang sasakyan sa munisipyo ng Tumahubong kamakalawa lulan ang agricultural products at papunta …

Read More »