Friday , May 17 2024

Ed de Leon

Ilang anchors ng dzMM, tatawid ng dzRH at dzBB

DAHIL maliwanag na ang operasyon ng ABS-CBN sa ngayon na sa internet na lang, at sa internet naman ay napakababa ng advertising rates na maaari nilang masingil, medyo sakal maging ang suweldo ng mga naiwan nilang empleado at talent. Kaya naman bukas sa isip nilang maaaring umalis ang mga iyon at lumipat kung may mas magandang offer. Iyong mga artista, hayagan na …

Read More »

Sports car ni Daniel, nabangga (Tricycle driver, binigyan pa ng pera imbes na pagalitan)

USAP-USAPAN ngayon ang mamahaling sports car ni Daniel Padilla, na binangga ng isang tricyle riyan sa may West Fairview sa Quezon City kamakalawa ng hapon. Nang mabangga, bumaba sa kanyang minamanehong sasakyan ang actor, at sa halip na magalit sa medyo takot na tricycle driver dahil alam naman niyon na kasalanan nga niya ang nangyari, nakangiti lang si Daniel. Pinangaralan ang tricycle …

Read More »

Matinee idol, sinapak ni male model nang mangdakma

HANGGANG ngayon, lumilitaw pa rin sa mga usapan iyong pangyayari sa isang resort na  sinasabing nalasing ang isang matinee idol, at nang makasabay niya sa CR ang isang poging male model, hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. Dinakma niya ang private parts ng male model. Sinapak siya ng male model, at naging bulong-bulungan ang kuwentong iyon. Ewan kung may iba pang nangyari …

Read More »

Sarah Geronimo, sikat pero walang career

MAY sinasabi ang mga matatanda, “kapag sumama ang loob sa iyo ng nanay mo, asahan mo na mamalasin ka na sa buhay.” Ganyan ang sinasabi nila noong lumalabas na binalewala ni Sarah Geronimo ang kanyang ina, nang magpakasal siya kay Matteo Guidicelli. Bagama’t sinasabing naiwan naman sa ina ni Sarah ang kanyang savings,  gayundin ibinibigay naman niya ang kita niya sa ASAP, ang maliwanag ay hindi …

Read More »

Problema ni Gabby at mga kapatid sa lupa, ‘di na mareresolba

NAMATAY na ang nanay ni Gabby Concepcion na si Maria Lourdes Arellano Concepcion, nang hindi naresolba ang problema ni Gabby at ng iba pa niyang anak sa korte dahil sa kanyang minanang property sa San Juan. Iyong property sa San Juan, na naroroon ang dating bahay nina Gabby, ang ancestral house ng mga Arellano na rati ay tinitirahan ng kanyang lola, at iyong …

Read More »

Aktor, nambi-bimbang ang ka-live-in

MUKHANG may problema na naman ang isang actor. Sabi ng aming sources, hindi na naman maganda ang pagsasama nila ng kanyang “latest na asawa.” Kung sa bagay, hindi naman talaga nakapagtataka iyan dahil wala naman siyang relasyong tumino kahit na noong una pa.   Ang problema naman daw sa latest niyang “asawa” o live-in partner, tatlo na ang kanilang anak, at …

Read More »

Congw. Vilma, nabahala — Tagilid ang movie industry

AMINADO si Congresswoman Vilma Santos na talagang sa ngayon ay tagilid ang movie industry at ang masakit, sinasabi nga ng mga observer na hindi ito agad makababangon. “Ang unang problema talaga natin iyang Covid-19. Dahil sa pandemic sarado ang mga sinehan. In fact, isa iyan sa mga unang establishments na ipinasara, at iyan ang isa sa pinakahuling papayagang magbukas. Totoo na may …

Read More »

Lizquen movie, sisimulan nang i-shoot

NAGHIHINTAY na lang din na matapos ang Covid, o kaya ay medyo lumuwag ang quarantine at magsisimula na ng project sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa Star Cinema na ang director ay ang box office maker na si Cathy Garcia Molina. Kung iisipin, bago pa ang lockdown ay buo na ang plano ng proyektong iyan. Ikalawa, maganda ngang simula iyan. Una malakas naman iyong …

Read More »

Pagiging kabit ng gay politician ni actor, tanggap ng asawang aktres

ALAM pala ng misis na aktres, ang ginagawang “sideline” ng kanyang asawang actor sa mga “kaibigan niyong gay politician.” Masama ang loob niya natural, pero wala siyang magagawa dahil pareho silang walang kayod, walang pelikula, walang TV show, at paano nila bubuhayin ang kanilang mga anak? Basta tinatanong niya si mister, ang sinasabi raw ay nakuha siya sa isang out of town show, …

Read More »

Sharon Cuneta, ‘di bagay na sa internet lang mapapanood (mag-isa pang nagpo-promote)

KUNG minsan nakakapanibago. Noong dati, nasanay kami na basta narinig namin si Sharon Cunea na nagpo-promote, ibig sabihin may bago siyang pelikulang ipalalabas, o kaya may bago siyang TV show. At hindi basta-basta mga promo iyon, malakihan iyon. Bukod sa mga malalaking TV programs ginagawa ang promo, talagang covered iyon ng lahat halos ng diyaryo at magazines noong araw. Talagang nakakapanibago dahil …

Read More »

Bading serye ni Tony Labrusca, ‘di kinagat ng netizens

HINDI natapos. Tinapos ang ginawang bading serye ni Tony Labrusca. Tinapos dahil ibig sabihin kaunti nga siguro ang nanonood kahit na sa internet lamang iyon. Kasi sa internet, kung mababa ang bilang ng audience mo, hindi ka kikita. Sayang lang. Gastos lang kung itutuloy mo pa. Pero siyempre, hindi nila masisi si Labrusca. Ang sinisisi nila iyong partner niya dahil “walang chemistry,” sabi …

Read More »

Sexy male star, crush ni Attorney

“SI Attorney, yes iyong napakadalas ngayon sa TV na kamukha ni Balot, may crush pala sa sexy star na may asawa na,” sabi ng aming source. Nakita raw ang sexy male star na kung ilang ulit nang kausap si Attorney na “kamukha ni ballot.” Hindi naman nakapagtataka, dahil iyang sexy male star na iyan ay natsismis na rin noong araw sa isa pang gay …

Read More »

Arnell at Jennylyn, nagkakainitan

MUKHANG nagkakainitan sina Arnell Ignacio at Jennylyn Mercado. Alam din naman natin na bukod sa pagiging isang komedyante, si Arnell nga ay deputy administrator ng OWWA, siya ay isang presidential appointee. Si Jennylyn naman ay isang aktres na naniniwalang, “ako ay Filipino at nagbabayad ako ng taxes ko. May karapatan akong sabihin kung ano ang inaakala kong tama.”  Nagsimula iyan sa paalala ni Arnell kay Jennylyn …

Read More »

Congw. Vilma, mas una ang pagtulong

“KAGAYA rin sa kongreso, na may mga batas na hindi namin inaayunan. May mga aksiyong aming tinututulan. Pero sa isang demokrasya kasi, kung ano ang gusto ng majority iyon ang nasusunod eh. Bilang isang mambabatas, hindi man tayo minsan ayon sa batas, pero dahil batas iyan wala tayong choice kung hindi sumunod. Kaya iyon naman ang sinasabi namin, puwedeng may …

Read More »

Dating bold star, isinusuka ng mga kapitbahay

blind item

MATAPANG pa ang dating bold star nang siya ay singilin ng pinagkakautangan. Minura pa raw ng bold star ang naniningil at pinagbantaan pang ipahuhuli dahil bawal daw ang maningil ng utang sa ngayon na may pandemic. Ang sagot naman daw ng naniningil, “iyon namang inutang mo matagal na, wala pang Covid”. Lalo daw nagalit ang bold star. Inirereklamo na rin ang bold star ng homeowners …

Read More »

Derek, tiyak na: Andrea Torres, pakakasalan

HOY, si Derek Ramsay na mismo ang nagsabing siguro nga pakakasalan na niya ang kanyang girlfriend na si Andrea Torres in two years’ time. At least naiisip na ni Derek na lumagay na sa tahimik talaga. Noon kasi hindi niya magawa iyan dahil inaayos pa niya ang annulment ng naging kasal niya noon doon kay Mary Christine Jolly. Eh ngayon mukhang nagkasundo na sila, at …

Read More »

Ate Vi, suportado ang localized lockdown sa Lipa

Vilma Santos

KAHIT na nga nasa ilalim ng GCQ, nagkaroon ng localized lockdown sa Lipa dahil may isang lugar na dumami ang infected ng Covid-19, at dahil diyan iniutos na ang lahat ng papasok sa Lipa, kahit na ang mga may trabaho sa lunsod, na naglalabas pasok, ay magpakita muna ng katunayan ng rapid test o swab test, bago sila payagan sa …

Read More »

Matinee idol, ni-reject ni gay millionaire

FEELING insulted ang poging matinee idol nang ma-reject siya ng isang gay millionaire na gusto sana niyang masungkit. Kilala kasi ang gay millionaire na umaayuda talaga sa mga nagugustuhan niya, at hindi basta nagbabayad lamang. Gusto ni poging matinee idol na kumbinsihin ang gay millionaire na puhunanan ang kanyang mga proyekto.   Pero hindi siya type ng gay millionaire. Oo nga pogi siya, pero hindi …

Read More »

John Regala, sinaklolohan ni Idol Raffy at iba pang mga kapwa artista

BIGLANG yaman ngayon si John Regala. Matapos siyang ma-interview, pinangakuan siya ng ayudang P100,000 ni Raffy Tulfo, para siya ay makapagpagamot at magkaroon ng kaunting kabuhayan. Marami rin namang mga kapwa niya artista ang nagpaabot agad ng tulong matapos na malaman ang nangyari sa kanya.   Kung hindi pa siya tinulungan niyong Grab delivery man, hindi makatatawag ng pansin si John.   Siguro naman …

Read More »

Appointment nina Guillen at Lizaso sa MMFF, karapat-dapat

KUNG may magsasabing mali ang ginawang paglalagay ni Chairman Danny Lim sa mga bagong member ng execom ng Metro Manila Film Festival, babatukan talaga namin. Isa sa itinalaga ni Chairman Lim ang premyadong aktres at director na si Laurice Guillen. Bukod sa pagiging isang aktres at director, siya rin ang presidente at nagpapatakbo ng CineMalaya na siyang pinakamalaki at matagumpay na indie film festival. Si Laurice …

Read More »

Aktor, inisplitan si aktres dahil kay sexy male star model

TOTOO bang isang sexy male star-model ang tunay na dahilan kung bakit inisplitan ng isang poging male star ang kanyang girlfriend? Natakot daw kasi ang young male star, dahil nang kumalat ang balita na nagsasabing seryoso na siyang talaga sa kanyang girlfriend, iyong “totoo niyang love” ang sexy male star model ay “naghanap na rin ng iba.” Para masigurong ang kanyang “true love” ay mananatili pa rin …

Read More »

FDCP, talo sa kampanyang mailipat sa kanila ang MMFF

NAGLABAS nang lahat. Lumabas na ang panawagan ni Manay Ichu Maceda, na totoo namang kasama ng noon ay mayor pang si Presidente Erap Estrada na nagsimula niyang Metro Manila Film Festival (MMFF). Nagpahayag na rin ang PMPPA na pinamumunuan nina Malou Santos at Orly Ilacad na nakasuporta lamang sila sa isang festival na nasa pamamahala ng MMDA. Nagpahayag na rin ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines o ang mga may-ari ng sinehan, na naniniwala …

Read More »

Tambalang Nadine at Alden, tagilid

HUWAG nilang ikagalit dahil ito ang katotohanan. Sa panahong ito, hindi mo na masasabing ganoon pa rin kasikat si Nadine Lustre. Ilang buwan na rin siyang hindi nakikita sa pelikula at wala rin naman siyang show sa telebisyon. Iyong sinasabing serye na gagawin niya ay hindi natuloy, at lalo na ngang walang pag-asa ngayong nasara na ang ABS-CBN. Wala namang makakukuha sa …

Read More »

Gay actor, nanananso ng kapwa bading

MAY isang gay actor na lumalabas ngayon sa isang gay internet series ang sinasabing “nanananso” ng kapwa niya bading. Pogi rin naman kasi siya talaga, at una ngang sumikat sa internet wala pa man ang kanyang bakla serye. Siguro nakita niyang sa simula pa lang may “nagnanasa” na sa kanya, kaya ngayon sinasamantala naman niya iyon.   Kung mayroon nga ba namang …

Read More »

MMFF, hindi na dapat pakialaman pa!

IYANG Metro Manila Film Festival (MMFF), talagang iyan ay sa Metro Manila lamang. Huwag ninyong ambisyonin na iyan ay masasakop ang buong Pilipinas kaya dapat alisin na sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at ilipat sa iba. Kaya lang iyan inilalabas sa buong Pilipinas ay dahil mataas ang demand sa mga pelikulang palabas sa MMFF dahil sa commercial viability ng mga iyon. Ang mga pelikula …

Read More »