Friday , April 25 2025

Direk may 3 brief ni matinee idol

IBA rin talaga ang trip ni Direk. Siya iyong may mga maliliit na plastic display cases, na ang nakalagay ay underwear ng mga lalaking naka-affair niya, o kaya ay crush niya na nahihingan niya ng souvenir.

Aminado naman siya na ang iba roon, kailangan niyang bilhin sa may-ari, pero may proof, kailangan may picture ang seller na suot niya ang underwear mismo.

Ipinagmamalaki ngayon ni direk ang hindi lang isa kundi tatlong underwear pa ng isang dating sumikat na matinee idol, ibig sabihin hindi lang minsan kundi tatlong beses niya iyon naka-date more or less.

Mayroon na rin naman palang isang agent si direk, na bumibili rin ng underwear ng mga crush niya para sa  kanya, willing naman siyang magbayad basta may proof.

Sabi niya, sa latest count daw niya, 76 na ang kanyang koleksiyon at iyon ay mula sa mga male star na sikat din ang iba, at sa mga sikat at poging male fashion models. Hindi iyong mga nasa bikini contests ha kundi mga legitimate na male models. Mayroon palang ganoon? (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Nora Aunor Bongbong Marcos Erap Estrada

PBBM, Erap dumating sa huling gabi ng lamay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ng napakaraming kaibigan, fans, pamilya, at kasamahan ang huling gabi …

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Nora naihatid na sa huling hantungan, ginawaran ng Pagpupugay Ng Bayan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PUNOMPUNO at dinaluhan ng mga kaibigan, fans, kapwa national artists, at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *