Sunday , September 25 2022

Sharon wala sa ayos ang paghingi ng franchise ng ABS-CBN

PARANG mali ang tono niyong kumakalat na sinabi raw ni Sharon Cuneta tungkol sa ABS-CBN. Sinabi niya kung ano ang mabuting nagawa ng ABS-CBN, pati na sa kanilang mga artista na kailangan ang back up ng isang malakas na network. Ang mali roon sa aming palagay ay iyong parang ipinakikiusap na sana ay bigyan silang muli ng panibagong franchise. Naiba ang tono, samantalang noong una na ipinaglalaban ng network ang sinasabi nilang karapatan nila sa isang legitimate franchise, ngayon parang humihingi na sila ng awa na mabuksang muli.

Parang wala rin sa ayos na ang gumagawa ng statement ngayon ay mga artistang kagaya ni Sharon at iba pa. Bakit hindi ang top officials ng ABS-CBN ang siyang lumantad at magsabing sila ay isang lehitimong media company at dapat na payagang makapag-broadcast?

Isa pa, sinasabi nilang milyon na ang audience nila sa internet, at napapanood naman sa Zoe TV at sa TV5, hindi pa ba sapat na audience iyon para sila ay makatayo at makalaban? Kailangan pa ba talagang humanap ng simpatiya at awa ang kanilang mga star?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply