Friday , October 29 2021
Sharon Cuneta Revirginized
Sharon Cuneta Revirginized

Sharon expected ang violent reaction sa Revirginized

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EXPECTED na ni Sharon Cuneta ang violent ang reactions ng fans sa kanyang pelikulang Revirginized ng Viva Films.

Sa digital media conference kahapon, inamin ni Sharon na expected na niya ang violent reaction ng fans lalo na’t kontrobersiyal ang trailer ng pelikula.

“First before the trailer came out, ine-expect ko na talaga na medyo violent ang magiging reaction ng ibang Sharonians na nasanay sa usual roles na ginagampanan ko. Always, always from ‘Dear Heart’always the simple, the true, the good, the beautiful, the sweet, the wholesome, the matino, disente, you know, but I said after more than 60 movies, actually medyo I think I have already earned the right to play around and experiment other roles. And at my age specially a role like this comes along written by the genius Direk Darryl Yap,” unang sabi ni Sharon.

“Alam n’yo ang ang mali lang sa mga tao, napapansin lang nila lagi ang kontrobersiyal na mga eksena na lumalabas sa trailer ni Direk Darryl, na mga movie ni Direk Darryl,” pagdepensa ni Sharon sa pelikula. ”Pero if you watched the movies mano-notice n’yo po sa umpisa puro kalokohan ‘yan, pero in the end, laging mayroong tusok sa puso.

“Noong ikinuwento niya sa akin ito, talagang napaluha ako, so hindi ko mahindian. So I said, tapangan ko nga ang sarili ko sabihin ko and in my own way, I try to do it in my own…’yun ang pinaka-bastos na kaya ko, pero I think once in a while when actor does a movie that is outside her usual genre na inaabangan ng audience niya at kinasanayan, then that makes the audience appreciate the other skills of the actor and then makes the audience miss the usual kind of movies na ginagawa ng artistang iyon.”  

Paliwanag pa ni Sharon sa Revirginized,” I look forward to doing the usual let’s call it the usual Sharon movie na mas medyo deeper na ngayon at mas matured na because so am I. But this movie is truly special to me because I really… the role gave me the freedom to become a totally different person, totally medyo halos opposite ng character ko except the strength inside the energy  strength..

“So, I’m very excited ako sa ‘Revirginized,’ when we are shooting it, alam ni Direk na minsan may mga eksenang sinasabi ko, ‘Direk talaga bang gagawin ko ang eksenang ito?’ Pero sasabihin ko rin na, ‘hindi artista ako eh, kaya susundin kita.’

Sinabi ni Sharon na gusto niya ng challenge kaya ginawa ang pelikula.”I trusted totally fully in my director in the story. Tinanggap ko dahil gusto kong gawin. Hindi dahil sa kailangan kong gawin. I wanted a challenge and so I got it. And I think that I hope I did justice to the role and I hope that my Sharonians will…given a chance and try to see beyond sa mga pagmumura at yung mga salitanghindi ko usually sinasabi kahit sa tunay na buhay, ‘yung mga body part, ha ha ha. ‘Yung mga usual na salitang hindi ko nakasanayan. I hope na malampasan nila ‘yon sa panonood nila ng pelikula at makita nila ang core at puso ng movie. ‘Yun ang hope ko dahil talagang it is special to me. I actually I can identify with Carmela (her role) in a lot of way.”

Nakaka-identify naman si Sharon sa kanyang role na si Carmela. ”Dito si Carmela ay parang nalasing, tapos parang napilitan ng role ng younger Albert (Martinez) na naging asawa niya at nabuntis at the age of 16. Medyo naka-identify ng kaunti dahil parang nawalan ng… hindi na-experience ni Carmela fully ang pagiging dalaga, sa buong movie, talagang si Albert (Bart) ang naging boyfriend, una at huli sa buhay niya na na-inlove siya at pinakasalan tapos iniwan. Baligtad naman ‘yun na nabuntis ako and have KC at the age of 19, pero hindi naman ako iniwan ha ha ha. I can identify na parang nawala ‘yung experiences ng pagiging dalaga ni Carmela.”

Kasama rin sa Revirginized bukod sa kanila ni Albert sina Marco Gumabao at Rosana Roces at idinirehe ni Darryl Yap. Mapapanood na ito sa Aug 6 at sa Aug 13 naman sa US at Canada, streaming sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Available na rin ngayon ang Vivamax sa Hong Kong, Singapore, Malaysia at Japan. Maari na rin magamit ang screen cast to TV feature nito upang mas maging komportable ang inyong panonood sa inyong mga TV screen.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Baguhang aktor boy toy ni Matinee Idol

ANG lakas ng tsismis na ang isa raw baguhang male star, na talaga namang pogi at sexy …

Mel Sarmiento, Kris Aquino, Herbert Bautista

Bistek happy kay Kris

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLENG, ”I’m happy for her!” ang tweet ni senatoriable Herbert Bautista at post sa …

Paolo Contis, LJ Reyes, Aki Avelino, Summer Contis

LJ mas tahimik sa NY kaya wala pang balak bumalik ng ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon IYONG isa pang humiwalay din naman at mabuti’t hindi pa siya nakapag-pakasal, …

Kylie Padilla, Alas Joaquin Abrenica, Axl Romeo Abrenica

KYLIE PINURI NG PARI
(Tungkulin bilang asawa at ina nagampanan)

HATAWANni Ed de Leon PATI iyong isang pari na nagmisa noong Lunes ng umaga sa aming …

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Leave a Reply