Wednesday , May 18 2022
Rabiya Mateo

Popularidad ni Rabiya pinaiinit (kung ano-anong tsismis ikinakabit)

TALAGANG pinipilit nilang painitin ang interest ng mga tao sa natalong Miss Universe candidate na si Rabiya Mateo. Ngayon naman may nagkalat ng kanyang mga picture na kasama ang model na Kano na si Andrei Brouleitte, eh iyon pala nag-lunch lang sila, ayon sa post ng model. Magkakilala sila dahil sa Pilpinas, sila ay nasa ilalim ng isang agency.

Mabilis naman ang mga tsismis dahil sinasabi nilang inalis na ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion ang mga picture nilang dalawa, at naisip nila na maaaring nag-split na rin ang natalong Miss Universe candidate at ang kanyang boyfriend.

Pero mabilis iyong itinanggi ni Rabiya at sinabing ”I’m taken.”

Palagay namin, gusto man nilang painitin ang popularidad ni Rabiya, dapat hintayin nilang umuwi siya rito at subukang ilapit siya sa masa. Iyang mga ganyang gimmick kasi, masyado nang gasgas.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ara Mina

Ara Mina balik-negosyo

REALITY BITESni Dominic Rea NATALO man ang asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez na tumakbong Congressman ng …

Bea  game makasama si John Lloyd: Sana lang tumugma ang schedule namin

RATED Rni Rommel Gonzales MATAPOS ma-unlock ni Bea Alonzo ang panibagong achievement sa pagkakaroon ng 100 vlogs …

Angeli Khang

Angeli Khang, battered child ng Koreanong ama

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  Sa kabilang banda, naikuwento ni Angeli ang pagiging battered child. …

Karla Estrada, Tingog

Karla bigo sa Tingog

OLATS si Karla Estrada para  makaupo bilang 3rd nominee ng Tingog Partylist. Kinapos kasi sa percentage na kailangan si Karla …

Leni Robredo Kim Chiu

Kim ‘di pa maka-move on  sa pagkatalo ni VP Leni

MATABILni John Fontanilla HANGGANG  ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Kim Chiu na nanalo sa pagkapangulo si …

Leave a Reply