Thursday , April 18 2024
Rabiya Mateo

Rabiya kinarir ang pagpunta sa gym at pagbo-boxing

Rated R
ni Rommel Gonzales

MATAPOS ang kanyang unang acting project sa Gabi ng Lagim IX special episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, naghahanda naman si Rabiya Mateo para sa GMA action series na Agimat ng Agila 2.

Lumabas na ang balitang makakasama ng Miss Universe Philippines 2020 sina Sen. Bong Revilla Jr. at Sanya Lopez.

“Nagpapasalamat talaga ako kasi malaki ’yung tiwala na ibinigay sa akin ng team, ng GMA, para ibigay itong role sa akin,” ani Rabiya.

Kabilang sa paghahanda sa kanyang unang GMA series ay ang pagpunta sa gym at boxing.

“Na-e-excite rin po ako na makatrabaho ’yung mga beterano na sa field na ito kasi marami po talaga akong matututunan,” sabi pa ni Rabiya.

Nitong nakaraang Linggo, napanood si Rabiya sa kanyang unang acting stint sa KMJS Halloween special, na ginampanan niya ang isang dalaga na ginagambala ng isang maligno.

About Rommel Gonzales

Check Also

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED Rni Rommel Gonzales ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

BarDa, Ruca, JulieVer pinababalik sa Canada para muling mag-concert

RATED Rni Rommel Gonzales FAKE news ang mga kumakalat na balitang flop ang Sparkle show tour sa …