Thursday , December 2 2021
Rabiya Mateo

Rabiya sa pinakamasakit na natanggap na kritisismo: Ah, kabit iyan kaya nanalo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Rabiya Mateo sa The Boobay and Tekla Show, tinanong siya kung ano ang pinakamasakit na comment o kritisismo na natanggap niya sa social media noong lumaban siya sa Miss Universe Philippines 2020.

Sagot ni Rabiya,“Sa sobrang dami, wala akong maisip, pero kasi part talaga iyon, eh.

“Alam niyo ho ba, noong nanalo ako ng Miss Universe Philippines… kasi, ‘di ba, dark horse ako noon? Wala akong kapanga-pangalan, galing sa probinsiya.

“Siguro ‘yung narinig kong isyu is, ‘Ah, kabit iyan kaya nanalo ‘yan.’

“That was nasty. Isa akong babae, kung saan lahat ng mayroon ako, pinaghihirapan ko.”

Sa natanggap na negative comment, ay sinabi niya ‘yun sa kanyang ina.

“’Yung first ko talagang ginawa is kinausap ko ‘yung mama ko.

“Kasi, for example, mayroon tayong nakikitang masasakit na comments, kung ako masasaktan, times ten iyon sa nanay ko.

“Siya talaga ang sinabihan ko na, ‘Ma, tatagan mo ‘yung loob mo, kasi ‘yung pinasok ko, public property na ako. Wala na tayong say kung anumang gagawing isyu ng mga tao. Ang importante is that alam naman natin na mabuti tayo kahit walang nakatingin sa atin.’” sabi pa ni Rabiya.

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista

Heart tigil muna sa paggawa ng teleserye (Magpo-focus sa negosyo)

RATED Rni Rommel Gonzales NAGPAHIWATIG si Heart Evangelista na posibleng hindi muna siya gagawa ng teleserye pagkatapos ng I …

Dina Bonnevie Covid-19 Vaccine

Dina hinimok ang publiko na magpabakuna

RATED Rni Rommel Gonzales MAY mensahe si Dina Bonnevie sa  mga taong hanggang ngayon ay natatakot magpabakuna. “Sa …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis at Jen babae ang magiging anak

RATED Rni Rommel Gonzales IBINAHAGI ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kasarian ng paparating nilang baby. …

Katips

Vince Tañada nanghinayang sa ‘di pagkasali ng Katips Musical sa MMFF

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI napili para makapasok sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2021 ang …

BTS Isko Moreno

Yorme wish magkaroon ng sariling BTS ang ‘Pinas

HARD TALKni Pilar Mateo ANG musical na Yorme na tatalakay sa buhay ng Presidentiable na si Isko Moreno Domagoso ang unang …

Leave a Reply