Thursday , May 2 2024

Ed de Leon

Showbiz industry, napilay sa pagkawala ni Manay Ichu

MARAMI ang nanghihinayang sa maagang pagpanaw ni Marichu Perez Maceda, o si Manay Ichu. Isa si Manay Ichu sa pinaka-progresibong lider ng industriya ng pelikula sa ating bansa, at marami ang umaasa na pagkatapos nitong pandemya, isa siya sa mga magsisikap at makaiisip ng paraan para muling ibangon ang industriya. Sa totoo lang, sila naman kasi ang nakaaalam kung ano ang …

Read More »

Aktor, suportado lagi ni Gay Politician Lover (kaya ‘di naghirap kahit may pandemya at walang project)  

MATAGAL na siyang walang project. May pelikulang ginagawa na sigurado namang hindi rin kikita. Pero walang pakialam ang male star kahit na marami ang naghihirap sa panahong ito ng pandemya. Aba eh kahit naman kasi sa panahon ng pandemya “uma-anda la rica” ang kanyang gay politician lover. Mas madalas pa ngang makita sa TV si “mama” kaysa male star.   Eh sa panahong …

Read More »

Piolo Pascual, walang dapat sagutin kay BB Gandanghari

“KAHIT na noong araw pa, ilusyon ko si Piolo talaga,”ang bungad na kuwento sa amin ng isang gay movie writer. Eh hindi naman nakakapagtaka o nakabibigla, dahil gay nga siya eh, at pogi naman talaga si Piolo Pascual kaya hindi nakapagtatakang maging ilusyon siya ng mga gay. “Pero nasira na ang ilusyon ko dahil sa blog ni BB Gandanghari,” dugtong ng gay movie writer. …

Read More »

Sunshine Cruz, kinaiinggitan (kabi-kabila ang paninira)

KUNG ano-anong balita na ang lumalabas tungkol kay Sunshine Cruz sa internet. Kung sa bagay iyan namang internet alam nating pugad iyan ng fake news. Kaya nga hindi umasenso iyang nasa internet eh, kasi puro fake news, puro pirated films. Isipin ba naman ninyong pati iyong pelikula tungkol sa Fatima na hindi pa nailalabas sa sinehan ay napirata na sa Facebook. Kung hindi ba naman …

Read More »

Pelikula nina trying hard leading man at ambisyosang leading lady, nangangamoy amag

NANGANGAMOY amag, meaning sigurado nang flop ang pelikula ng isang trying hard leading man at isang masyadong ambisyosang leading lady. Ewan nga ba kung bakit sila ang ginawang bida sa pelikula, eh sa panahong ito na ang bukas lang na sinehan ay iyong nasa MGCQ, at sa probinsiya lang iyan. Dito sa Maynila wala pang sine, tapos ang pelikula mo pa “whoever” ang …

Read More »

Cremation ni Direk Cloyd, sinagot ni Mayor Lani

KAPOS sila sa pera at hindi nga malaman noong una kung paano nila maipapa-cremate si Direk Cloyd Robinson na pumanaw noong isang gabi dahil sa atake sa puso. Pero kahit na si direk Cloyd ay residente ng Silang, Cavite, mabilis naman ang aksiyon ng Mayor ng Bacoor na si Lani Mercado, para sagutin na ang gastos ng cremation. Matagal din namang artista at …

Read More »

Rustom Padilla, nagka-relasyon sa isang actor na magaling humalik

WALANG diretsahang sinabi si BB Gandanghari sa kanyang video blog kung sino ang actor na naka-fling ni Rustom Padilla sa US. Dalawang magkasunod na araw naming pinanood ang napakahabang video blog, para makita kung hindi nga ba siya nadulas kung sino ang actor na ‘nakasama” ni Rustom Padilla sa isang hotel sa San Francisco, pero wala siya talagang sinabi. Hindi namin sinasabing dahil doon …

Read More »

Naluluging negosyo ni actor, isinalba ni gay politician

TALAGANG mahirap na ngang makawala ang male star sa lover niyang gay politician. Pati pala kasi iyong negosyo niyang matagal nang bagsak bago pa man ang pandemic ay pinasukan ng bagong puhunan ng gay politician para ma-improve at kumita. Gusto raw kasi ng gay politician na kumita ang negosyo ng male star para hindi naman matanong kung saan nanggagaling ang pera niya. Isa …

Read More »

Direk Cloyd Robinson, pumanaw na

NAGING kami kahapon ng madaling araw, at ang bumulaga sa amin nang magbukas kami ng computer ay ang balitang sumakabilang buhay na si Direk Cloyd Robinson. Inatake raw sa puso si direk noong Lunes ng gabi, hindi niya natagalan iyon. Nauna nang nagkaroon ng stroke si Cloyd ilang taon na ang nakararaan, kaya nga hindi na siya masyadong aktibo kasi medyo …

Read More »

KathNiel, itinampok sa Tinig ng mga Nawalan; ABS-CBN, tuloy na sa Zoe TV

IYON pala ang sinasabing “collab” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, iyong kantang Tinig ng mga Nawalan, na inilabas ng ABS-CBN noong Lunes, kasabay ng pagle-lay off nila sa karamihan sa kanilang mga empleado at pagsasara ng operations ng kanilang mga provincial station. Nagsimula iyon sa isang sentimyento ng mga nawalan ng trabaho. Medyo matapang ang statement ng kanta. Sinasabi kasi nila na hindi na mapipigil …

Read More »

Eat Bulaga, may nakaambang 2 show na kakalaban

Eat Bulaga

MUKHANG hindi pa rin natitigatig ang Eat Bulaga kahit sinasabing may mga nagbabantang kalabanin sila mula sa isang UHF network, at ngayon ay may lalabas pa raw sa free tv, bukod nga roon sa rati na nilang kalabang It’s Showtime, na ngayon naman ay napapanood na lang sa cable at internet. Kahit sinasabing live na nga ulit ang Eat Bulaga, parang kulang pa rin dahil si Vic …

Read More »

Arnold Clavio, gustong sirain

MAYROON nga bang demolition job laban sa broadcaster na si Arnold Clavio? Ewan kung bakit matapos ang mahigit 20 taon ay biglang lumabas ulit si Sarah Balabagan at inaming ang tatay ng kanyang anak na panganay ay si Arnold. Hindi kumibo si Arnold, kaya hinahamon siya ni Sarah na aminin iyon. Iyon naman ang pinagmulan ng demolition job na sinasabing dapat sipain ng GMA …

Read More »

Aktor, ‘di na hirap, sustentado na ni bading na government official

AMINADO ang isang male starlet, may lover siyang isang government official na bading na siyang nagtutustos ngayon sa kanya dahil wala nga siyang trabaho sa showbiz. Mukhang sa takbo ng buhay niya, mas ok pa siya ngayon kaysa noong showbiz ang inaasahan niya. Bago ang kanyang kotse na maganda pa. May sarili na siyang condo samantalang dati umuupa lang siya sa isang maliit na …

Read More »

ABS-CBN, nakikipag-usap sa Zoe TV

PARA makabalik sa free tv, sinasabi ngayong may negosasyon para ang mga palabas ng ABS-CBN ay mai-air naman ng Zoe TV, na ang may-ari ay iyong Jesus Is Lord movement ni Bro. Eddie Villanueva. Noong araw, iyang Zoe ay ginamit din ng GMA, riyan nagsimula iyong GMANews TV. Noong mag-migrate na sila sa digital, binitiwan na nila ang Zoe, na ngayon ay on the air bilang Light TV, na …

Read More »

KathNiel collab, matutunghayan na sa Setyembre

MAYROON daw collaboration sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na sinasabi nilang lalabas na sa katapusan ng buwan ng Setyembre. Hindi naman maaaring pelikula iyon. Hindi rin naman maaaring iyon ay isang concert dahil hindi pa pinapayagan ang mga concert venues. Pero roon sa picture, sila ay parehong nasa isang recording studio at mukhang kumakanta. Ibig bang sabihin ay gagawa sila ng recording …

Read More »

Mga bida sa nauusong bading serye, may kanya-kanyang milagro

MAY isang baguhang artista na gumagawa ngayon ng nauusong bading serye sa internet, na sinasabing noong araw ay may post doon sa dating apps na Rentmen at nakikipag-date sa mga interesado sa kanya sa halagang P20K sa magdamag. Siyempre biglang inalis na iyon ngayon nang sumikat siya, at kung ginagawa pa niya iyon, mas mataas na siguro ang presyo. Iyong isa naman …

Read More »

Bong, pinauwi na ng bahay

HINDI pa lubusang magaling, pero malakas naman ang kanyang katawan kaya pinalabas na ng kanyang mga doctor si Senador Bong Revilla sa ospital at sinabihang magpagaling na lang sa kanilang tahanan. Sa ngayon kasi kung minsan mas delikado pa ang nasa ospital ka dahil sa rami ng may Covid doon. Kung nakakabawi ka na, baka bumalik pa. Taliwas iyan sa fake news …

Read More »

Yorme, nalinis at napaganda pa ang underpass (kahit busy sa Covid, paghuli sa mga illegal vendor at criminal)

NOONG huli kaming nakadaan diyan sa underpass sa tapat ng City Hall ng Maynila, diring-diri kami eh, kasi may lugar na may tubig, mapanghe ang amoy, at matatakot ka dahil may mga taong grasa na roon na yata nakatira na hindi mo masasabi kung magho-hold up na lang bigla o hindi. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga tao nakikipag-patintero …

Read More »

Bading series sex video ni newcomer, nabuking

blind item

MAY lumabas na sex   video ang isang newcomer na gumagawa ng isang bading series sa internet. Iyon pala, naging boyfriend siya noong araw ng isang bading na sumali pa at nanalo sa isang gay contest sa telebisyon. Iyong video ay kuha raw noong panahong magsyota pa sila, at hindi pa operada ang bading. Ibig sabihin hindi pa siya “transwoman” noon. …

Read More »

Rights ng Darna, ‘di mabitiwan ng ABS-CBN

MAY statement na naman ang ABS-CBN, nananatili raw na kanila ang rights para sa pagsasalin ng Darna sa pelikula, sa telebisyon, o kung saan pang medium. Ayaw nilang bitiwan ang project kahit na sinabi nila na shelved muna iyon dahil hanggang sarado ang mga sinehan, saan nga naman nila ilalabas iyon? Siguro hindi rin nila mabitiwan ang project dahil natapos na nga nila …

Read More »

Sen. Bong, nakare-recover na

NAGPAPASALAMAT si Mayor Lani Mercado sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang asawang si Senador Bong Revilla dahil nakaka-recover na iyon ngayon mula sa Covid-19 na tumama sa kanya. Nauna riyan, nabalitang lumubha pa ang kalagayan ni Senador Bong, na tinamaan pa ng pneumonia na komplikasyon ng Covid-19 infection niya. Mabuti naman at nakuha sa gamot ang lahat at ngayon nga bumubuti na …

Read More »

Sikat na matinee idol, naalarma (picture niya sa kama, kalat na nga ba?)

MUKHANG naalarma ang dating sikat na matinee idol sa lumabas nating blind item tungkol sa kanyang picture na nakahiga sa kama sa loob ng kuwarto sa condo ng isang gay designer. Tinawagan daw ng dating sikat na matinee idol ang gay designer at tinanong kung may pinagpakitaan ba siya ng pictures? Siyempre nag-deny naman ang gay designer at sinabing walang ibang taong nakakita …

Read More »

Pokwang, nainis sa biro ni Baninay

BINANATAN naman ni Pokwang ang kanyang kapwa komedyanteng si Baninay dahil nag-post iyon na siya ay posibleng positive sa Covid-19. Natural matakot din naman ang mga kasama niya sa trabaho, kabilang na si Pokwang. Aba hindi biro ang may makasama kang may Covid-19. Hindi lang nakatatakot iyon kundi malaking gastos din dahil kailangan kang magpa-test kung nahawahan ka na, at paano ang mga kasama …

Read More »

Malalang pag-ubo ni Bong, nakaaasiwa; ‘Di na dapat ipinakita

MAS naalarma yata kami nang makita namin ang social media post na  ubo nang ubo si Senador Bong Revilla sa isang video na tumagal ng halos tatlong minuto. Wala siyang nasabi kundi “please pray for me.” Para bang napakalala ng sitwasyon dahil sa sunOd-sunod niyang pag-ubo. Tiyak sasabihin naman ng iba, natural dahil Covid-19 iyan. Pero kung pag-aaralang mabuti, kahit na sabihin pang …

Read More »