Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng Sangguniang Panlungsod sa Kalakhang Maynila.

Partikular dito ang pagtatapon ng mga basura gaya ng cigarette butts, candy wrapper, tissues, at iba pang mga bagay na basta na lang itinatapon sa kalye ng mga walang disiplina. Isa ito sa dahilan kung bakit nagbabara ang mga kanal na nagiging sanhi ng pagbaha sa tuwing tag-ulan dahil naiipon nga sa drainage ang akala nila ay maliliit na.

Dahil dito, ipinatutupad na ngayon, sa rekomendasyon ng MMDA na maging mahigpit sa pagtatapon ng mga basura.

May mga siyudad na ngayon na inaaresto ang mga nagyoyosi sa mga lansangan, at pinapatawan ng penalty bilang parusa.

Sa Mandaluyong City, matagal na ang ganitong sistema, bawal ang manigarilyo sa lansangan at may mga designated areas na puwede kang magyosi. Sa Makati, ganoon din ang ipinatutupad na ordinansa.

Sana ay hindi lamang ningas-kugon ang mga local government sa pagpapatupad ng kanilang ordinansa dahil para ito sa kabutihan na mapanatiling hindi barado ang mga kanal na daluyan ng tubig.

Kadalasan, kasama itong winawalis ng mga street sweeper kaya lang imbes dakutin ay inihuhulog na lamang sa kanal kasama ng mga buhangin.

***

Sabi ng Meralco, ngayong buwan ng Enero ay bababa ang singil sa koryente dahil ang nakalipas na buwan ng Disyembre ay panahon ng taglamig.

Pero napansin n’yo ba na merong gabi na maalinsangan at kailangan  buksan ang aircon upang maging maginhawa at mahimbing ang tulog?

Mabuti naman at naisip ng Meralco na magbawas ng singilin.

Ang buwan ng Enero ay buwan ng pagkalusaw ng mga yelo sa ibang bansa kaya medyo apektado ang ating bansa.

Pero asahan natin, sa panahon ng tag-init, sa buwan ng Marso at Abril hihilahin pataas ang bill ng koryente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee Marcos, ang ‘Baba-nocchio’ ng Senado

SIPATni Mat Vicencio PAGKAKAIBA ni Senator Imee Marcos kay Pinocchio: Si Pinocchio ang ilong ang …