Friday , June 5 2026
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi kinompirma balik-pelikula kasama si Boyet

HATAWAN
ni Ed de Leon

TIYAK na masaya ang naging Pasko ng mga Vilmanian, dahil si Ate Vi (Ms Vilma Santos) na mismo ang nagsabing magkakaroon siya ng isang pelikulang

katambal si Boyet de Leon sa unang quarter ng 2023. Ibig sabihin, pagkatapos ng bagong taon, at ang makakasama pa niya ay isang katambal na gusto ng fans. Isa pa, bagama’t mukhang mauurong na naman ang tv project na inaasahan dahil sa ilang problema, may mapapanood namang isang special na sadyang ginawa para sa kanyang 60th sa Pebrero.

Marami rin pumasok na mga bagong endorsements si Ate Vi, na kailangan niyang gawin sa first quarter. Mukhang babawian naman siya ngayon matapos ang matagal ding pahinga. Talagang humingi naman siya ng leave noong nakaraang taon pa. Isipin naman ninyo, ngayon lamang siya nakapagpahinga matapos ang 23 taon ng public service, Mas matindi iyon kaysa trabaho sa showbiz. Tapos alam naman natin na noong ready to work na siya, noon naman siya natamaan ng Covid kaya nagkaroon na naman ng delay ang lahat.

Ang nakatutuwa magca-comeback si Ate Vi sa isang totoong pelikula, hindi iyon indie. Iyon ang klase ng pelikulang hinahanap ng mga tao. Malaki ang casting, hindi binarat ang production at ginawa nang mahusay. Iyon naman ang isang bagay na sinisiguro ni Ate Vi, iyong ang gagawin niyang mga pelikula ay may katuturan. Minsan lang

siya gumawa ng indie, pero ginawa iyon bilang pakikisimpatya sa maliliit na artista sa pelikula. Hindi siya kumuha ng bayad sa

pelikulang iyon at sa halip nakiusap siyang iyong ibabayad sa kanya ay hati-hatiin para sa mga extra sa pelikulang iyon.

Ngayon balik siya sa pelikulang pang-sinehan talaga. Siya kasi ang inaasahan ngayon na tatapos sa slump ng industriya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …