Thursday , July 25 2024
MMFF 2022

MMFF entries imposibleng kumita ng milyon 

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA makalawa, simula na ng Metro Manila Film Festival 2022. Sa unang araw, makikita na natin ang trend kung sino ang mas kikita at kung sino ang hindi. Uso ang tinatawag na “padding” ng kita ng mga pelikula. Marami ang magsasabing sila ay top grosser. Kasi kung sino ang paniniwalaang hit, malamang nga sa hindi iyon ay kumita. Nagkakaroon kasi ng tinatawag na “snow ball effect” iyan sa takilya.

Pero maging ang mga lider ng industriya, nagsasabi ngayon na imposibleng abutin ng MMFF ang dating kita ng mga festival noong araw. Una, maraming mga sinehan ang tuluyan nang isinara. Pangalawa, nakikita naman natin ang resulta ng mga pelikulang Filipino na inilabas sa mga sinehan nitong nakaraang mga araw.

Hindi lang iyan dahil sa pandemya, kung natatandaan ninyo, bago pa iyang pandemic may umiiral nang slump sa industriya ng pelikulang Filipino. Kasi nga nang tumaas ang EVAT, tinipid ng mga producer ang pelikula. Nagmukha nang indie ang lahat halos, habang malalaki naman ang mga pelikulang dayuhan. Kaya kumikita ang foreign films, pero ang local naiwan. Hindi na rin sila nag-build up ng bagong artista, kaya ang mga bagong fans nahumaling sa mga Koreano, kasi iyon ang bago eh.

Bago pa nag-pandemya, naiiba na ang business climate sa industriya ng pelikula. Noong pandemya pinasukan pa tayo ng katakot-takot na sex films na napapanood sa internet. Nag-click iyon noong una dahil wala ngang mga sinehan, naka-lockdown din. Pero sa halip na salitan ng mabubuting pelikula, naging concentrated sila sa sex movies. Hindi kailangang magbayad ng malalaking artista. Kahit na sinong madampot na nakahandang magbuyangyang ng private parts ok na.

Ngayon iyang MMFF, sa Metro Manila na lang. Sa labas ng Metro Manila namamayani ang malalaking foreign films. Paano masasabing kikita sila ng bilyon?

About Ed de Leon

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …