Monday , August 8 2022
bagman money

Eleksiyon iliban <br> PONDO SA DECEMBER 2022 BSK POLLS GAMITIN SA AGRIKULTURA – SOLON

IMBES idaos ang eleksiyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa 5 Disyembre 2022, nais ipagpaliban ito ng isang kongresista upang magamit ang pondo para sa pag-unlad ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay Leyte Rep. Richard Gomez, a.k.a. Goma, makaluluwag ang gobyerno kung ililiban ito.

“That’s why a postponement can be called. The remaining balance of the budget for the year and for barangay and SK elections can be used for agricultural programs, which are badly needed and a priority of the new President,” ani Goma sa kanyang panukala sa  House Bill No. 937.

Ayon sa aktor na dating alkalde ng Ormoc City, ang P8 bilyong nakalaan sa eleksiyon ng mga opisyal barangay at SK ay maaaring gamitin sa pagpapayabong ng programa sa palay, mga kagamitan sa agrikultura, sa mga binhi, at pag-aaral sa produksiyon ng bigas.

“We can budget the barangay and SK elections next year,” ani Goma.

Sakaling maging batas ang panukala, hahaba ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan na aabot hanggang 5 Disyembre 2023, ang sunod at sa unang Lunes ng taon 2026. Ang mga susunod na eleksyon ay gagawing tuwing unang Lunes kada tatlong taon.

Sinabi rin sa panukala, ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK ay magsisimula tanghali ng Enero sa sunod na taon.

Balak ni Goma, amyendahan ang Republic Act. No. 9164 na inamyenda ng RA No. 9340, 10632, 10656, 10923, 10952, at 11462. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …