Saturday , June 15 2024

Dating kongresista patay sa CoVid 19

NAMATAY kahapon ang dating Oriental Mindoro congressman Reynaldo Umali dahil sa CoVid 19.

Si Umali, 63 anyos, ay nakilala noong impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona sa pagpresinta ng ebidensiya mula sa “small lady.”

Kinompirma ang pagkamatay ng kan­yang nakakatandang kapatid, ang kasaluku­yang kongresista ng Oriental Mindoro na Rep. Alfonso “Boy” Umali.

Si Rey ay naging chairman ng House committee on justice na nag-imbestiga kay Senator Leila de Lima patungkol sa, umano’y, koneksiyon nito sa mga sindikato sa droga noong siya ay kalihim ng hudikatura.

Si Rey, ay isang abogado, at nakasama sa mga kongresista na tumayong tagausig kay Corona.

Ayon kay Alfonso, maraming sakit ang kanyang kapatid – fatty liver (cancer) na natuk­la­san nitong nakaraang Disyembre 2020 hangang nagka-CoVid.

Nakiramay si Senior Deputy Speaker Doy Leachon ng unang distrito ng Oriental Mindoro.

“Let’s pray for the repose of the soul of our colleague, Rey. Our condolences to the whole family,” ani Leachon na isang matalik na kaibigan ng mga Umali.

Para kay House Deputy Speaker Mikee Romero, ang namumuno sa  54-member Party-list Coalition Foundation, Inc., sa Kamara, nakalu­lungkot ang pangyayari.

“Another good friend gone too soon. Another victim of the deadly CoVid-19 virus.”

“This is the third day in a row, good friends of mine fall prey to CoVid-19. Please do not let your guards down. CoVid-19 is still alive and is still vicious,” ani Romero.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *