Friday , May 17 2024
npa arrest

Anti-Terror bill naramdaman’ ng 2 negosyanteng Muslim — Hataman (Sa Araw ng Kalayaan)

MATINDING pangamba sa pagsasabatas ng Anti-Terror Bill ang ipinahayag ni Deputy Speaker Mujiv Hataman matapos ares­to­hin ang dalawang nego­syanteng Muslim kahit walang arrest warrant.

Ayon kay Hataman, ang Anti-terror Bill kapag naging batas ay madaling abusohin ng mga awtoridad.

Kaugnay nito kinon­dena ng Basilan representative na si Hataman ang pag-aresto sa dalawang Muslim na negosyante sa San Andres, Maynila at ang ilegal na pagpasok sa bahay nang walang court order.

Aniya, nangyari ang insidente noong Independence Day.

Desmayado si Hataman sa paraan ng pulis sa operasyon laban kay Saadudin Alawiya at Abdullah Maute na kinilala ng Manila Police District (MPD) bilang drug suspects.

“Hindi pa nga nagi­ging batas ang Anti-Terrorism Bill, may narinig na naman tayo na mga kuwento ng pang-aabuso ng mga pulis sa mga kapatid nating Muslim.

Paano pa kaya ‘pag naging legal na ang warrantless arrest sa ilalim ng panukalang ito? Ano na ang proteksiyon ng mga Moro at iba pang Filipino mula sa pang-aabuso?” ani Hataman, ang dating gobernador ng binuwag na Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nagkagulo sa San Andres noong pinasok ng mga anti-drug agents ng MPD ang bahay ng dalawa na walang search warrant at ang pag-aresto sa dalawa nang walang arrest warrant.

Ayon sa mga kamag­anak ng mga suspek na nakapag-video ng insidente, lehitimong jewelry traders at hindi tulak ng droga ang mga suspek.

Namawagan si Hataman sa liderato ng Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang insidente na may malakas na ebidensiya na nag-abuso ng kapang­yarihan ang mga pulis.

“Ang sabi, buy bust operation dapat ito. Ang sabi, dapat sa Luneta nangyari, pero hindi nagpakita. Given na totoo itong claim ng pulis, may kapangyarihan na ba sila na puntahan ang mga nasabing Muslim sa bahay at halughugin ang kagamitan at arestohin sila kahit walang warrant?” tanong ni Hataman.

“Mabilis itong kuma­lat sa social media, at pati sa aking tanggapan ay umabot ang mga reklamo ng mga kamag-anak at kapitbahay ng dalawa. Ayaw din natin sa droga, but there is an uproar about what happened, and it involved trampling on basic human rights. And if this is the case, then we have to look closely at what happened. If they are really involved in drugs, then the police should build a better case against them instead of going the easy road and dis­regarding due process,” dagdag ng mambabatas.

“Ito rin ang pina­pangambahan ko sa Anti-Terror Bill.

Nasabi ko na baka mas kailangan natin pala­kasin ang ating enforce­ment operations kaysa bigyan ng masyadong malawak na kapang­yarihan ang law enforcers na maari nilang maabuso. Kung simpleng drug operation, tila hindi kayang dumaan sa proseso at arestohin nang tama ang mga pinaghihinalaan, paano na lang kaya sa ilalim ng Anti-Terror Bill na may warrantless arrest ng 24 araw?” tanong pahayag ni Hataman.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *