Saturday , July 27 2024

Kris, aminadong may gap kay Noy: Pero ‘di iyon hahayaang lumala

NANINDIGAN si Kris Aquino sa kanyang Instagram post na hindi maaapektuhan ang relasyon nila ng kapatid niya na si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil lamang sa magkaibang pananaw kaugnay ng relocation ng rebulto ng kanilang ama at bayaning si Ninoy Aquino.

Kamakailan ay tinanggal ang statue ni Ninoy sa corner ng Quezon at Timog Avenue para bigyan daan ang road clearing operations ng MMDA na naglalayong mapabuti ang daloy ng trapiko sa lugar na iyon. Ibinigay naman ng pamilya Aquino ang kanilang blessing matapos magpaalam ng Quezon City government sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.

Ang isyu ngayon ay kung saan ililipat ang statue ni Ninoy. Binigyan ang Pamilya Aquino ng dalawang options – ang Parks & Wildlife sa Quezon Avenue na gusto ni Noynoy at ang area malapit sa Trinoma at Vertis North na gusto naman ni Kris.

Dahil sa magkaibang pananaw, tila gustong pag-awayin at palalain ang gap nina Kris at Noynoy ng ilang tao. Aminado man si Kris na hindi pa sila totally okay ni Noynoy, pero hindi niya hahayaang lumala ang gap nila. Hindi rin nila papayagang gawing mala-teleserye ang istorya ng kanilang pamilya.

Ayon nga sa Instagram post ni Kris, ”Speaking of my dad, to clarify HINDI po naging issue sa family where our his statue would be relocated.

“Ate had messaged all of us after Mayor Joy Belmonte had communicated with her that MMDA had requested a change of venue. 2 options were given, Parks & Wildlife or the area near Trinoma/Vertis North where @iloveayalamalls is doing a lot of expansions. Hindi po issue na Noy chose DENR’s Parks & Wildlife and i wanted the mall development area… obvious naman na magkaiba talaga kami, and clear din na we practice freedom of choice in our family. My vote had gone to the area nearer malls because i had felt mas mataas ang ‘foot traffic’ and more of our youth would see my dad’s likeness on a regular basis and maybe have some curiosity about Ninoy Aquino & his contribution to Philippine democracy as we know it today.

“Hindi naman secret sa inyo, rebuilding our relationship as brother and sister remains a work in progress for us BUT hindi ibig sabihin na wala na kong pagmamahal at respeto sa ‘kuya’ ko na naging napaka mahalagang bahagi ng magandang pagpapalaki ko kay kuya josh. So kung trip nyong gawing teleserye ang buhay pamilya namin, ma bo-bored lang kayo kasi walang matinding di pagkakaunawaan na nagaganap. Hindi ko rin kayo pa-plasticin at sasabihan na very close kami, we’re not- last time kaming nagkita was more than 4 months ago.

“But really? Location ng statue ng dad namin ang gustong gamitin na issue to widen our gap? Trust me we’ve had more disagreements of substance than that. It’s just that we respect our mom’s memory so much that whatever differences we may have, we choose to keep them private in the hope that TIME will help heal & resolve all of them. #familyfirst”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *