Thursday , June 4 2026

Romero P7.858-B; Elago P85,400 net worth… Party-list reps pinakamayaman at pinakamahirap na kongresista

NASA mga kinatawan ng party-list ang pinakamayaman at pinaka­mahirap na kongresista sa Kamara.

Kung pera ang pag-uusapan sa Kamara, si 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ang pana­lo.

Habang si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago, ang may pinaka­mababang net worth.

Batay sa datos na ipinamahagi ng Kamara, ang Statement of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) ni Romero ang nagsasabi na ang yaman niya ay aabot sa P7.858 bilyones.

Sapaw ni Romero ang 291 miyembro ng Kamara noong nakalipas na 17th Congress.

Sa loob nang naka­raang ilang taon, lomobo ang yaman ni Romero nang P567 milyones mula P7.291 bilyones noong Disyembre 2017 hangang umabot ng P7.858 bil­yones noong Disyembre 2018.

Si Romero, ang pre­sidente ng Partylist Coa­lition Foundation Inc. (PCFI) na may 54 miyem­bro.

Si Romero ang may-ari ng F&S Holdings, Inc., na mayoryang stock­holder ng Air Asia, Inc. (AAI).

Ang sumunod kay Romero ay si Negros Occidental Rep. Albee Benitez na may P1.016 bilyones mula P1.005 bilyones noong 2017.

Ang pangatlo ay si Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos na may halagang P923.8 milyones na sinundan ni  dating Speaker Rep. Feliciano “Sonny” Bel­monte Jr., na may P864.75 milyones.

Ang pinakamahirap ay si Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago na may P85,400 net worth.

ni Gerry Baldo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …