Thursday , July 7 2022

Ilan sa senators sagabal sa pag-apruba sa budget

ILAN lamang sa mga senador ang nakaaantala para maaprobahan ang panukalang budget para sa 2019.

Ayon kay House minority leader Danilo Suarez  ng Quezon, gusto ng karamihan ng mga senador kasama si Senate committee on finance chairperson Loren Legarda na i-submit na kay Pangulong Duterte ang bagong National Expenditure Program ngunit ayaw ni Sotto.

Sa panayam sa media kahapon, sinabi ni Suarez na ang “silent majority” sa Senado ay hindi sang­ayon sa gusto ni Senate President Tito Sotto at Senator Ping Lacson.

“I talked to Sen. Loren two days ago, as a matter of fact I’m going to see her tomorrow (Thursday). She assured me na gustong-gusto na niyang [makarating kay Presi­dente] ang enrolled bill at iyon rin ang sentiments ng nakakaraming miyembro ng Senado,” pahayag ni Suarez kahapon.

“Kung puwede nga lang pipirmahan ko (Legarda] na iyan (national budget) para tapos na,” dagdag pa niya.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin ang paglagda ni Sotto sa panukalang budget ay isang ministerial duty.

“Both Houses of Congress have ratified the national budget so it is only ministerial on their (Speaker Gloria Macapagal-Arroyo and Sotto) part na pirmahan na ang enrolled bill at i-transmit na kay Presi­dente,” ani Garbin.

Sa panig ni House senior Deputy Minority Leader at Buhay Hayaang Yumabong (Buhay) party-list Rep. Lito Atienza hindi niya maintindihan si Lacson kung bakit gusto nitong may lump sum sa kabila ng pagtutol sa port barrel.

“Kayo na ang humus­ga, ano ba ang gusto ninyong budget? Itemized o lump sum, iyon ang lumalabas na argumento ngayon, ang gusto ‘yata ni Sen. Lacson lump sum, ang gusto ng Kongreso itemized,” ani Atienza.

“Unfair, kapag Sena­do ang maglalagay ng pera they called it institutional amendment, kapag ang Lower House ang naglagay ng pondo para sa isang specific project, pork barrel,” angal ni Atienza.

Nauna nang sinabi ni1s House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo tapos na ang trabaho ng Kamara sa budget.

Giit ni Arroyo, naaa­yon sa Saligang Batas ang niratipika nilang P3.757-trilyong pondo para sa 2019.

Ani Arroyo ang pag-itemize nila sa mga lump sum ay legal at hindi nila ito binabawi taliwas sa napapabalita.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

Leave a Reply