Thursday , June 25 2026

Sports coliseum sa QC Memorial Circle sinopla

TINUTULAN ng chair­person ng Metro Manila Development Committee sa Kongreso ang plano ni Quezon City Congress­man Vincent Crisologo na magtayo ng coliseum sa Quezon Memorial Circle (QMC) dahil sa pinsalang maaaring idulot nito sa QMC bilang monumento at liwasan.

Ayon kay Rep. Winnie Castelo, hepe ng nasabing komite, hindi magiging angkop ang isang mala­king estruktura tulad ng coliseum sa QMC.

“The place would not be appropriate. It would compromise the beauty of the place as serene and tranquil,” ani Castelo.

Sa isang panayam noong Sabado, sinabi ni Crisologo na plano niyang magpatayo ng audi­torium doon sakaling maging matagumpay sa kanyang pagtakbo sa pagiging alkalde ng lung­sod sa halalan nitong taon.

“My plan is to build [an] auditorium there. Tayo na lang walang auditorium [na] air-conditioned na multi-purpose na puwedeng basketball court. Lahat mayroon na,” pahayag ni Crisologo.

“It’s a big space ano, kulang lang sa planning. Kasi ang nangyari noon, may maisipan sila [tapos] tayo rito, may maisipan sila [tapos] tayo roon. There is no general planning. So I think we should re-plan the circle,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Crisologo na habang ang mga lungsod tulad ng Maynila, Caloocan, San Juan, at Makati ay may malaking mga sports auditorium, ang QC ay wala pang ganito.

Sa kabila nito, kinon­tra pa rin ni Castelo ang plano sapagkat ang QMC ay idinisenyo bilang liwasan na maaaring maglakad, mag-eher­sisyo, at magpahinga ang mga tao.

“The real purpose of that park is for tranquility and serenity. It’s a passive park where park-goers can promenade,” paliwanag niya.

Sinabi rin niya na ang QMC ay sagrado para sa Quezon City sapagkat ito ay nagsisilbing pamban­sang dambana kung saan inilagay ang labi ng dating Pangulong Manuel L. Quezon.  Ang panukala ni Crisologo, aniya, ay magiging kahihiyan sa alaala ng dating Pangulo.

Ilan pang aspekto ng plano na tinutulan ni Castelo ang magiging negatibong epekto nito sa kapaligiran ng QMC at ang problema sa trapiko na lalo pang lulubha kung may auditorium o coliseum sa nasabing lugar.

Ani Castelo, isang malaking estruktura sa lugar ay siguradong sisira sa mga puno at iba pang halaman sa parke na kasalukuyang ikinatu­tuwa nang daan-daang residente na bumibisita sa liwasan araw-araw.

“Furthermore, a coliseum would require parking that the present park space cannot pro­vide. This would just create chaos of big pro­portion,” sabi ng pinuno ng komite ng Metro Manila Development.

Dagdag niya, “It would create monstrous traffic because that is the center of a major street.”

Dapat din umanong ipatayo ang panukalang estruktura sa lugar na may sapat na espasyo para sa mga kotseng pa­pa­­rada.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …

Amenah Pangandaman DBM Money

PH No.1 sa budget transparency – IBS

NAPANATILI ng Filipinas ang pagiging numero uno pagdating sa budget transparency  sa buong Southeast Asia, …

Janeena Chan David Licauco Fabio Ide, Ellen Frojd Teejay Marquez BlueWater Day Spa

Janeena Chan iwas na sa puyat at sobrang trabaho simula nang magka-Bell’s Palsy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAS pinahahalagahan na ngayon ni Janeena Chan ang sarili at kalusugan kaysa trabaho. …

san juan city

Wattah Wattah Festival ng San Juan kasado na

KASADO na ang San Juan City local government unit (LGU) sa lahat ng aktibidad para …