Thursday , June 4 2026

Andaya umatras na kay Diokno

UMATRAS na si Cama­rines Sur Rep. Rolando Andaya, chair­man ng House committee on appropriations, sa pag-iimbestiga kay dating Budget Secretary Benja­min Diokno mata­pos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bang­ko Sentral ng Pilipi­nas (BSP).

Umasa na lamang si Andaya na mauungkat pa ang mga isyung katiwalian laban kay Diokno sa pagharap niya sa Commission on Appoint­ments kung saan mahaharap si Diokno bago pagtibayin ang pagkakatalaga sa kanya bilang pinuno ng Bangko Sentral.

Ani Andaya, naubu­san ng panahon ang Kamara para ituloy ang pagdinig sa mga alega­syon laban kay Diokno na ni minsan ay hindi sumi­pot.

“Siguro those issues we raised, siguro to the point na some other person na lang. Some other person, some other time. I don’t think now is the time [to continue the investigation]… babalik din naman ‘yan,” ani Andaya kahapon.

Inakusahan ni Anda­ya si Diokno na nagsingit, umano, ng P75-bilyon sa panukalang budget para ngayong taon.

Pinaboran rin umano, ni Diokno ang kanyang mga balae sa Sorsogon ng mga proyekto sa flood control.

Ani Andaya, ang asawa ng anak ni Diokno na si Charlotte ay nagma­may-ari ng Aremar Construction na naka­kukuha ng karamihan sa mga proyekto sa lugar.

Gagawa pa rin umano siya ng committee report patungkol sa imbestigasyon ng kan­yang komite bago mata­pos ang 17th Congress.

“Well, hopefully ‘pag may oras pa. But from my experience, I think I have accepted the fact na some other time, some other person. Maybe in the next Congress. Nandiyan naman lahat iyan e. These things have a way of coming back, anyway,” paliwanag ni Andaya.

Taliwas sa posisyon ng Malacañang,  sinabi ni Andaya na mahaharap si Diokno sa Commission on Appointments na miyembro ang mga senador at kongresista.

“The last time I checked, nakalagay may [conformation] e. Pati members ng Monetary Board ganoon din e,” ani Andaya.

Papalitan ni Diokno ang pumanaw na si Bangko Sentral ng Pilipi­nas (BSP) Gov. Nestor Espenilla Jr.

Ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danny Suarez hindi makalulusot si Diokno sa mga tanong na may kaugnayan sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya bago ang confirmation.

“Questions will be asked. That’s also good for him. It will enlighten and maybe answer some issues that haven’t been answered during the question hour,” ani Suarez, ang chairman ng House committee on public accountability.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …