Monday , July 4 2022

PPA pinatitigil sa pagsingil sa weighbridge

NANAWAGAN si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Ports Autho­rity (PPA) kaha­pon na tumigil na sa pagsingil sa weighbridge fees para makabawas sa presyo ng mga bilihin.

Ani Arroyo, malaking kabawasan sa presyo ng mga gulay, bigas, isda at iba pang bilihin kung ititigil ng PPA ang pa­niningil sa mga truck na nagkakarga nito sa barko.

Ginawa ng Speaker ang panawagan sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Trans­portation sa Hilongos, Leyte noong Martes pa­tung­kol sa inumpisahang nautical highway ng dating pangulo.

Tinalakay rin ang mahal na singil ng mga barko at mga daungan sa mga bumibiyahe ng pag­kain at iba pang pangu­nahing bilihin.

Ani Arroyo, ang mga bayarin sa weighbridge ay dapat nang tanggalin upang maibsan ang gastos ng mga trucker at magsasaka sa pagsadala ng mga produkto nila mula sa sakahan patungo sa mga palengke.

“As a result, the agricultural goods have become almost pro­hibi­tively expensive by the time they enter the Luzon market,” ani Arroyo.

“It’s an additional cost to the industry. So we have a resolution here that since it’s a PPA (Philip­pine Ports Authority) function, they should not charge that function. Because there are five charges that they can make and weighing charges are not part of it,” dagdag ni Arroyo.

Aniya, ituloy ang pagtimbang pero hindi na puwede maningil ang PPA.

Napagalaman ng komi­te na isa sa mga da­hi­lan kung bakit mataas ang presyo ng mga bilihin ang paniningil ng PPA.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply