Sunday , June 16 2024

ROTC bubuhayin ng Kamara

MATAPOS burahin sa curriculum ng kolehiyo ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) dahil sa mga katiwalian at karahasan na naganap, ibabalik itong muli ng Kamara at inaasahang iaaprub bago mag-adjourn sa 7 Pebrero 2019.

Ang ibabalik na ROTC ay ipapatupad sa Grades 11 at 12 o sa senior high school.

Ayon kay Batangas Rep. Raneo Abu, isa sa mga awtor nito, kaila­ngan nang iaprub ng Kamara ang panukalang itinutulak ng pangulo.

“We hope to pass the measure this week before we go on break,” ani Abu.

“The approval of the substitute bill was prioritized by the leader­ship of former President and Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, as the mandatory ROTC bill was classified as a priority bill of President Rodrigo Roa Duterte,” paliwanag ni Abu.

Saklaw ng panukala ang pagsasagawa ng basic military at civic training para sa lahat ng estudyante sa loob nang dalawang taon.

Ayon sa nga awtor ng panukala, ang ROTC ay gagawin para “i-moti­vate, train, organize and utilize for national de­fense preparedness or civil-military opera­tions.”

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin, ang pagbuhay ng ROTC ay isang “empty act of patriotism” habang ang mga lider ng bansa ay taas-kamay sa panghi­himasok ng mga dayu­han.

Ginawang optional ang ROTC noong 2002 matapos mamatay ang isang estudyante sa University of Sto. Tomas (UST) na nagsiwalat ng katiwalian sa pondo at sa mga nangangasiwa nito.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *