Saturday , June 6 2026

Ate Vi, ‘di na-enjoy ang Pasko dahil sa gastritis

KUNG kailan naman Pasko at saka naman sumumpong ang “gastritis” ni Ate Vi (Vilma Santos), at umaangal talaga siyang masakit ang kanyang tiyan. Ang dami sanang activity na dapat niyang puntahan na hindi niya nakaya talaga kaya nga panay ang hingi niya ng paumanhin sa mga tao, kabilang na ang kanyang fans na umaasang makakasama siya sa isang Christmas party pero hindi na nga nangyari.

Natuwa naman ang fans dahil kahit paano, natatawagan siya sa telepono, ikinakabit iyon sa sound system para kung ano man ang sabihin niya ay naririnig ng lahat, at ang mensahe naman ng bawat isa ay naririnig niya.

Kung minsan hindi mo rin maiaalis na magtampo si Ate Vi, dahil totoo naman na may mga taong hindi makaintindi sa kanyang sitwasyon. Minsan may mga nagtatampo kung hindi niya nasisipot ang mga okasyon nila, pero sabi nga ni Ate Vi, “tao lang din naman ako na may limitasyon. Gusto ko lahat mapagbigyan pero kung iyon lang ang kaya ng katawan ko, wala akong magagawa. Kaya nga humihingi na lang ako ng dispensa. Ngayon kung sa tingin nila hindi sapat pati ang paghingi ko ng dispensa, wala na akong magagawa.”

Bukod sa nagkasakit si Ate Vi, nagkasakit din si Ryan, ganoon din naman si Mama Santos na kailangan din niyang intindihin. Kaya talagang panay ang hingi niya ng pasensiya.

Ang sabi nga sa amin ni Ate Vi na nakausap din namin sa phone, “pati tayo, after the holidays na tayo magkita-kita. I promise to find time for that,” na sinabi naman naming huwag niyang intindihin. Naiintindihan naman namin ang sitwasyon niya.

Minsan ang hirap din naman ng mga artista eh. Ang dami kasi ng expectations sa iyo, at hindi nila naiisip na kung minsan hindi mo na talaga kaya.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Xia Vigor Miracle in Cell No 7

Xia Vigor, wish makagawa ng MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang talented na young actress na si Xia Vigor na marami …

SPEEd La Casa Maranan

SPEEd humataw sa La Casa Maranan Malaking proyekto plantsado na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAKABULUHAN ang ginanap na summer outing at bonding ng grupong Society of …

Charina Carmen Josol

Charina Carmen Josol beauty queen pinasok pag-aartista at singer

HARD TALKni Pilar Mateo SEVENTEEN siya nang ligawan ng lumalabas na sa pelikulang si Matthew Mendoza. …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru at Bianca binubuyo ng netizens na magpakasal na

MATABILni John Fontanilla HINUHULAAN ng mga netizens na matapos  magpakasal ni Rere Madrid, si Ruru naman …

Fifth Solomon Alex Gonzaga

Fifth at Alex solid ang friendship

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang naantig ang puso sa latest post ng director na …