Tuesday , November 29 2022

Suarez nanatiling Minority leader

NANATILING minority leader si Quezon Rep. Danilo Suarez sa kabila ng apela ng oposisyon na ipatupad ang House Rules sa kaso ng minorya.

Pinagdedebatehan pa sa plenaryo kahapon kung sino ang magiging minority leader.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya, na siyang ibinoto bi­lang majority leader ka­palit ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, 17 ang kasapi sa minorya ni Suarez, pito sa minorya ng Magnificent 7, at pito naman sa Makabayan bloc.

Nagprotesta si Quim­bo sa plenaryo at iginiit na ang 12 nag-abstain sa pagboto kay Arroyo ang kabuuan ng minorya bilang “duly constituted House Minority.”

READ: Sulat ni Quimbo tinanggap ni SGMA

Kasama ng grupo ni Quimbo ang pito sa Maka­bayan Bloc, si Ak­bayan Rep. Tom Villarin, si  Magdalo Rep. Gary Alejano, at si Josephine Sato ng Occidental Min­doro.

Ayon kay Fariñas, kapag naging minority leader si Suarez, magpa­patunay ito na nagsab­watan sila para sibakin si Alvarez.

Huwag aniya paya­gan na madungisan ang pagka- speaker ni Arroyo.

Hindi pa tapos ang debate sa plenaryo tung­kol sa usaping ito.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

DILG BIDA

24,000+ drug personalities naaresto sa bagong BIDA

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, …

Bongbong Marcos face mask

Sa FM Jr., admin
PH NASA TAMANG DIREKSIYON — OCTA SURVEY

 MAYORYA ng mga Pinoy ay naniniwala na ang bansa ay patungo sa tamang direksiyon sa …

fire dead

67-anyos Lolo patay nang mabagok habang lumilikas sa sunog

ISANG 67-anyos lolo ang patay nang mabagok habang lumilikas nang masunog ang ilang tahanan sa …

duterte gun

DOH isali sa gov’t anti-drug campaign
HUSTISYA SA BIKTIMA NG EJKs SA DUTERTE DRUG WAR ISINUSULONG

HINDI dapat kalimutang bigyan ng hustisya ang libo-libong biktima ng patayan sa madugong drug war …

112922 Hataw Frontpage

 ‘Intel funds’ sa civilian agencies nais putulin ng Senador

IGINIIT ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code …

Leave a Reply