Saturday , July 27 2024
marriage wedding ring coffin

Aktres, agad-agad magpa-file ng divorce (‘pag effective na)

SINASABING more or less, lusot na sa lower house iyong panukalang divorce law. Pero sinasabi naman ni Senador Tito Sotto na wala pang mapag-uusapang ganyan sa senado dahil wala pa namang naghaharap ng kagayang bill. Kung makapapasa iyan sa Kamara, kailangan din ng isa pang bill na ipapasa rin ng senado para maging batas.

Ngayon pa lang, pinag-uusapan na. Kung magkakaroon kaya ng diborsiyo, may mga artista bang agad na papasok doon?

“Ako talaga, first day ng effectivity magpa-file na talaga ako ng divorce. Ayoko sana as a Christian pero ang bagal talaga ng annulment, lalo na sa kaso ko na pinahihirapan ako ng dati kong asawa na hindi ko naman alam kung bakit eh talaga namang hindi na kami magkakasama ulit. Mas marami kasing grounds ang divorce na parang mas madali kaysa  mahigpit na annulment law,” sabi sa amin ng isang aktres.

May isa ring actor na nagsabing maghaharap din siya ng petition for divorce, dahil iniipit din siya ng nanay ng anak niya na nagkamaling pinakasalan niya noong araw.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Mark Anthony Fernandez, house tour

Mark may ‘ipagmamalaki’

I-FLEXni Jun Nardo NAKITA na namin ang sinasabing sex video umano ni Mark Anthony Fernandez. Gifted …

Gerald Anderson baha ulan carina

Gerald Anderson trending, hinangaan sa kabayanihan  

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang Richard Gutierrez na tumulong noon sa biktima ng baha at bagyo sa …

Richard Gomez

Richard iniilusyon ng mga bading na magpa-sexy uli

HATAWANni Ed de Leon NAKATATAWA may gumawa ng isang survey sa mga bading sa pamamagitan …

Nadine Samonte Richard Chua

Asawa ni Nadine na si Richard pumalag; GMA tahimik sa insidente

HATAWANni Ed de Leon ANO ang akala ninyo just just lang si Nadine Samonte kaya okey kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *