Wednesday , August 10 2022
Kiko Pangilinan, Ciara Sotto, Tito Sotto

Ciara nasaktan sa pagtapat ni Kiko kay Tito Sen

HATAWAN
ni Ed de Leon

DIRETSAHANG nagsalita si Ciara Sotto, bunsong anak nina Senador Tito Sotto at Helen Gamboa na nasaktan siya sa ginawa ng asawa ng pinsan niyang si Sharon Cuneta na si Senador Kiko Pangilinan nang kalabanin ang tatay niya sa vice presidential bid. Sina Ciara at Sharon ang sinasabi ngang siyang pinakamalapit sa magpi-pinsan. Si Sharon ay sinasabi ring malapit sa pamilya Sotto dahil ang turing sa kanya ng tiyahing si Helen ay para na rin nilang tunay na anak. Si Helen ay kapatid ng ermat ni Sharon na si Mommy Elaine.

Masasabi ring malaki ang kinalaman ng mga Sotto sa pagiging artista ni Sharon, dahil si Tito ang unang tumayong manager niya, at naging record producer ng kanyang mga naunang recording sa ilalim ng Vicor.

Pero iyang awayan na iyan ng dalawang pamilyang iyan ay hindi na bago. Matagal din naman silang hindi nagkibuan dahil sa ambisyon ni Kiko noon pang 2010 na maging pangulo ng senado. Kinumbinsi ni Sharon ang kanyang tiyuhin na suportahan ang kanyang asawa sa ambisyon niyon. Hindi ibinigay ni Tito Sen ang kanyang boto sa asawa ni Sharon at natalo iyon sa kanyang ambisyon.

“Isang boto lang naman iyon na hindi makapagpabago ngresulta,” ang sabi ni Helen, na sinagot naman ni Sharon ng, ”that one vote means the world for us.” Iyon sana ang pagkakataon ni Kiko na maging Senate President dahil suportado rin siya ni Presidente Noynoy noon dahil siya ay true blooded dilawan, pero nakapanatiling pangulo ng senado si Juan Ponce Enrile, na sinundan naman ni Franklin Drilon.

Hindi na nagkaroon ng chance si Kiko, dahil noong sumunod na eleksiyon, bumagsak na siya sa minorya.

Nanalo si Koko Pimentel at matapos ang mahigit na isang taon lamang, ang puwesto ay nakuha ni Tito Sen.

Marami ang nagsasabing baka kaya tinanggap naman ni Kiko ang kandidatura bilang vice president na hindi inisip ang banggaan nila ng tiyuhin ng asawa niya ay dahil hindi rin naman sumuporta iyon sa kanya noon.

Ano man ang maging dahilan ng isa’t isa, wala na tayong pakialam doon. Siguro para kay Kiko malaking break na iyan sa eleksiyon, dahil bago niya naging asawa si Sharon, tinalo pa nga siya ng noon ay Congressman Sonny Belmonte nang magkaharap sila sa Quezon City.

About Ed de Leon

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Maid in Malacanang Showing

Maid in Malacanang dagsa ang nanonood

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang Maid in Malacanang huh.  Hindi pa man nagbubukas ang mga sinehan …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Maja Salvador Joey Marquez Oh My Korona Ricky Victoria

Maja kay Joey naman makikipagbarubalan

COOL JOE!ni Joe Barrameda I am so proud of Maja Salvador. Multi-talented talaga siya. Ngayon sa …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …