Thursday , June 30 2022

Classic Layout

Pinay baby girl bigong maiuwi nang buhay (Nalagutan ng hininga sa ere)

HINDI na nakauwi nang buhay sa Filipinas ang siyam-buwan gulang na sanggol nang malagutan ng hininga habang itinatakbo sa Bangkok hospital kahapon bunsod ng sakit sa puso. Inihayag ni Alwin Pastoril ng Muntinlupa City, tatlong taon nang delivery truck driver sa Baskin Robbins sa Kuwait, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 lulan ng Gulf Air GF154 …

Read More »

Rape suspect nagbigti sa kulungan

CEBU CITY – Nagbigti ang isang rape suspect sa loob ng kanyang selda dakong 1:45 a.m. kahapon sa Brgy. Punta Princesa, lungsod ng Cebu. Ayon sa pulisya, natagpuang wala nang buhay si Tomas Lido, 57, walang asawa, at residente ng Jagna, lalawigan ng Bohol. Nagbigti si Lido gamit ang tali ng kanyang short pants sa loob ng Punta Princesa police …

Read More »

US umiiwas sa Tubbataha claims (Miriam umupak)

BINATIKOS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang aniya’y “dilatory tactic” ng US government para makaiwas sa pagbabayad ng kompensasyon sa pinsalang idinulot sa Tubbataha Reef matapos ang pagsadsad ng USS Guardian noong nakaraang taon. Iginiit ng mambabatas na “irrelevant” ang depensa ng Washington na kaya naantala ang compensation payment ay dahil wala pa itong natatanggap na “formal request” mula sa Filipinas. …

Read More »

NBI ‘di kombinsido sa alibi ng DBM exec (Sa SARO scam)

HINDI kombinsido ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naging paliwanag ni Budget Usec. Mario Relampagos kaugnay sa nabunyag na eskandalo ng pamemeke ng special allotment release orders (SARO) na nagkakahalaga ng P879 million. Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, bagama’t nakapaghain na ng kanyang statement ang opisyal hinggil sa isyu, interesado pa rin ang NBI na isailalim si …

Read More »

63-anyos nanay tinarakan ng adik na anak

ISANG 63-anyos ina ang ang pinagsasaksak ng adik na anak sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Patuloy na nagpapagaling sa San Lorenzo Women’s Hospital (SLWH) ang biktimang si Nelia Medina, 63, ng Angela St., Brgy. Maysilo, sanhi ng mga saksak sa braso at mukha. Agad naaresto ang adik na anak na kinilalang si Dennis Medina, …

Read More »

Kelot pinatay inilibing ng 2 katagay

NAGA CITY – Boluntar-yong sumuko sa mga awtoridad ang dalawang lalaki nang makonsensya sa pagpaslang at paglilibing sa kainoman noong nakaraang taon sa Jose Pa-nganiban, Camarines Norte. Sa ulat na ipinadala ng Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na sumuko sa mga opisyal ng barangay si Fernando Bermejo, 50, at inamin na siya ang nakapatay kay Daniel Encinas, 52. Ayon …

Read More »

Smugglers sa Davao papatayin ko — Duterte

DAVAO CITY – Nagbanta si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kanyang papatayin ang mapatutunayan niyang patuloy na kumikilos bilang smugglers dito sa lungsod ng Davao. Una nang pinayuhan ni Mayor Duterte ang mga smuggler na mas mabuting maghanap na lamang ng ibang lugar dahil malalaman pa rin niya ito, lalong-lalo na kung may kapangyarihan siyang buksan ang mga bodega …

Read More »

Pambansang bakuna vs tigdas sisimulan na

INILUNSAD na ng Department of Health (DoH) ang nationwide vaccination para sa 12 million kabataan na maaaring maapektuhan pa ng lumalalang problema sa tigdas. Magugunitang nagdeklara na ng measles outbreak ang DoH sa Metro Manila dahil sa malaking bilang ng naitalang nagpositibo sa naturang sakit sa Quiapo, Sampaloc, Tondo, Binondo, Sta. Cruz, Port Area at Sta. Mesa sa Maynila; Dagat-Dagatan …

Read More »

Batangas vice gov ipinatawag ng DoJ

IPINALABAS na rin ng Department of Justice  (DoJ) ang subpoena para kay Batangas Vice Governor Mark Leviste kaugnay ng nasamsam na 84 kilo ng illegal na droga sa isang rancho sa Batangas na pag-aari ng pamilya Leviste. Sa isang pahinang subpoena na pirmado nina Assistant State Prosecutors Juan Pedro Navera at Irwin Maraya, kasama rin sa pinahaharap sa gagawing preliminary …

Read More »