Sunday , December 14 2025

Blog Layout

Pakitang tao lamang ang kampanya laban sa kriminalidad ngayon?

NAKATUTUWA na maraming tulak ng droga at sugapa sa ipinagbabawal na gamot ang nasusugpo at maraming kriminal ang nasusupil, pero hindi nakatutuwa na ngayon lamang nagsusumigasig ang mga awtoridad na tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin. Parang lumalabas kasi na kaya may matinding kampanya laban sa illegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad ay dahil paparating na ang nanalong …

Read More »

Malversation, graft vs LWUA executives

INAPRUBAHAN na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang pormal na paghahain nang kasong katiwalian sa Sandiganbayan laban kay dating Local Water Utilities Administration (LWUA) chief Lorenzo Jamora at iba pa. Si Jamora at mga co-accused na mga opisyal ng LWUA ay nahaharap sa maraming bilang ng ‘malversation of public funds through falsification’ at paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 …

Read More »

16 pupils, guro nalason sa arozcaldo (Sa Ifugao)

BAGUIO CITY – Nananatili sa pagamutan ang 16 mag-aaral at isang guro ng Central Elementary School sa Sta. Maria, Alfonso Lista, Ifugao dahil sa pagkalason sa kinaing arozcaldo. Ayon sa Alfonso Lista PNP, kumain kamakalawa ang mga biktima ng arozcaldo na ibinebenta sa school canteen habang naka-recess. Gayonman, pagkalipas ng ilang oras ay nagsimulang maramdaman ng mga biktima ang pagsakit …

Read More »

Cybersex hub sa Bulacan sinalakay, 20 arestado

SINALAKAY ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang isang hinihinalang cybersex hub sa Brgy. San Martin, Sapang Palay, Bulacan kamakalawa. Arestado sa mga tauhan ng PNP-ACG ang 20 telemarketers o chat operators ng Jaila Online Marketing Services na mala-call center ang set up. Kompiskado ang higit 30 computers, hard drives, operating system, servers, at iba pang …

Read More »

Spotter ng Ozamis-Colango robbery group timbog

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 41-anyos babaeng sinasabing nagsisilbing ‘spotter’ ng kinaanibang Ozamis-Colango robbery group, at top most wanted person ng pulisya, habang namimili sa isang malaking supermarket sa Quezon City kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat ni Officer-in-Charge, Supt. Emerey Abating, ng MPD-Binondo Police Station 11, kinilala ang suspek na si Jocelyn Hernandez, …

Read More »

Kaso vs 6 ‘tanim-bala’ suspects sa NAIA ibinasura ng DoJ

IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang reklamo ng American national na si Lane Michael White laban sa anim airport authorities na isinangkot sa ‘tanim-bala’ issue sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa DoJ, walang nakitang probable cause para idiin sa kasong planting of evidence at robbery/extortion sina SPO2 Rolando Clarin, SPO4 Ramon Bernardino, Chief Insp. Adriano Junio at …

Read More »

4 bata sugatan sa Cotabato blast

PIKIT, North Cotabato – Awayan sa lupa ang ugat ng sagupaan nang magkaaway na dalawang pamilya sa probinsiya ng Cotabato, nagresulta sa pagkasugat sa apat na batang biktima. Kinilala ang mga nasugatan na sina Mamaida Palao, 3; Ashmira Usman, 9; Norudin Usman, 5, at Hamida Usman, isang taon gulang at mga residente ng Brgy. Bualan, Pikit, North Cotabato. Ayon kay …

Read More »

2 patay sa ratrat sa lamayan

PATAY ang dalawang lalaki makaraan pagbabarilin habang nakikipaglamay sa patay sa Brgy. Payatas, Quezon City nitong Huwebes ng madaling-araw. Ayon sa mga saksi, nagbabaraha at nag-iinoman ang mga biktima habang nakikipaglamay sa loob ng covered court sa Visayas Street nang lapitan sila ng suspek. Pagkaraan ay pinagbabaril ang mga biktimang sina Ricky Elcarte at Xavier Pinlac. Nakatakbo pa si Elcarte …

Read More »

74 street dwellers nasagip sa Pasay

NASAGIP ng mga awtoridad ang 74 street dwellers sa isang rescue operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, nagsanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) upang sagipin ang mga palaboy. Ikinasa ang rescue operation ng mga awtoridad dakong …

Read More »

Alamat ng red string sa “Born For You” pinag-uusapan ng televiewers

DAHIL likas na hopeless romantic ang maraming Pinoy, agad nating naringgan ang televiewers na talagang inabangan ang “Born For You” kung sila ba raw ay mayroon din ka-red string. Talaga namang patok na patok ang pag-uumpisa ng kuwento nina Sam (Janella Salvador) at Kevin (Elmo Magalona) na humataw sa ratings ang pilot episode ng pinakabagong primetime series ng ABS-CBN na …

Read More »