Saturday , January 29 2022

Barbie, excited sa pagkikita ng ginagayang si Kris

USAP-USAPAN ang pag-ober da bakod ni Kris Aquino sa GMA 7. Balitang magge-guest daw ito sa Sunday PinaSaya na mainstay ang dati niyang friendship na si Ai-Ai delas Alas at ang inaanak niya sa kasal na si Marian Rivera.

Tinanong si Barbie Forteza kung  ano ang reaksiyon niya sa napipintong maging Kapuso si Kris na ginagaya niya sa Sunday Pinasaya.

“Siyempre, sobrang excited ako, kasi, ano‘yun, eh, Queen of All Media ‘yun, ‘di ba? So, isang malaking karangalan na ma-meet ko siya and at the same time, makasama na rin natin siya sa SPS,” deklara  ni Barbie.

“Baka ma-starstruck ako, eh,” dagdag pa niya kung ano ang reaksiyon kung sakaling magkita sila ng personal.

Tinanong din si Barbie kung natutuwa  ba sa kanya si Kris?

“Well, susuyuin ko na lang po siya para naman matuwa siya sa akin. Hindi, siyempre, magha-hi ako, magpapakilala ako ulit kahit na nag-meet na kami,” bulalas pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Baguhang poging male star nakatanggap ng malaking offer kay dirty old rich gay

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging …

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Leave a Reply