Wednesday , January 19 2022

2 COP sa Cordillera sinibak

BAGUIO CITY – Sinibak sa puwesto ang dalawang chief of police sa rehiyon ng Cordillera nang mabigo silang makamit ang target sa implementasyon ng Oplan Double Barrel.

Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) acting regional director, Chief Supt. Elmo Francisco Sarona, iniutos niya ang pagsibak sa puwesto ng isang hepe  sa lalawigan ng Abra habang ang isa pa ay sa lalawigan ng Mt. Province.

Napag-alaman, ang isa sa dalawa ay chief of police ng Bauko Municipal Police Station.

Ayon kay General Sarona, napatunayan sa validation na nagkulang ang dalawa at wala silang nagawa sa Oplan Double Barrel lalo na at may reported na on-going illegal drug activities sa kanilang area of responsibility.

Sa ngayon, nasa holding unit ng PRO-COR ang dalawang chief of police at inaasahan ni Sarona na dapat “meritorious” ang paliwanag nila para hindi sila maharap pa sa karagdagang administrative action.

About hataw tabloid

Check Also

Covid-19 Kamara Congress Money

Sesyon suspendido dahil sa pagtaas ng covid-19 cases

SINUSPENDE ni House speaker Lord Allan Velasco ang sesyon ng Kamara dahil sa dumaraming kaso …

Senate Philippines

Total lockdown sa Senate Bldg. pinalawig pa

PINALAWIG pa ang naunang pagsasara o total lockdown ng mismong gusali ng senado na nasgimula …

Menardo Guevarra DOJ BuCor

Nagsumbong sa Malacañang
GUEVARRA DESMAYADO SA KARAHASAN SA BUCOR

MATAGAL nang desmayado si Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga karahasang nagaganap sa Bureau of …

011922 Hataw Frontpage

Obrero lusot sa ‘no vax, no ride policy’

ni ROSE NOVENARIO MATAPOS maperhuwisyo ang daan-daang manggagawa na hindi pinayagan sumakay ng mga awtoridad …

marijuana

Sa Cabanatuan, Nueva Ecija
P.3-M ‘OMADS’ NASAMSAM

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P300,000 halaga ng hinihinalang marijuana sa ikinasang anti-illegal drug …

Leave a Reply