Friday , May 3 2024

Ed de Leon

Sex video ni actor kasama ang call center agent, nakakalat

MINSAN, may masamang epekto rin iyong mga wala ngang magawa ang mga tao sa kanilang bahay. Dahil siguro sa kawalan ng magagawa, may isang nag-upload ng sex video ng isang sikat na male star, kasama niya sa video ang isang call center agent na noon pa sinasabing sinusundo niya sa trabaho. Lalaki rin ang call center agent na iyon. Palagay namin matagal na …

Read More »

Jen, pinaiimbestigahan ang mga mayor na tutulog-tulog

“PUWEDE po ba paimbestigahan naman ninyo ang ginagawa ng mga mayor sa Metro Manila,” ang panawagan ni Jennylyn Mercado sa DILG. Iyong kahilingan ni Jennylyn ay dahil sa reklamo ng maraming mamamayan na hanggang ngayon, wala silang natatanggap na tulong mula sa mga local na pamahalaan. Kung makatanggap man ng tulong, kagaya nga sa amin, mukhang kinangkong pa ng naghahatid, dahil sa katabing barangay …

Read More »

Angel, pinagsisisihang ikinampanya si Sen. Koko Pimentel

“MEA culpa. Mea culpa, mea maxima culpa.” Kung isasalin sa Tagalog, “dahil sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinaka-malaking sala.” Tila ganyan ang sinasabi ni Angel Locsin nang may magpaalala sa kanya na minsan ay ikinampanya niya si Senador Koko Pimentel nang kumandidatong senador. Inamin ni Angel na pinagsisisihan niya ang ginawa niyang iyon. Iyon ay matapos ang ginawa ng Senador na pumasok sa ospital para …

Read More »

Bistek, nami-miss lalo na ng mga taga-QC

MUKHANG tahimik lang si Bistek (Herbert Bautista). Natural dahil ayaw niyang masabing hindi na siya mayor ay namumulitika pa. Sa ngayon hinaharap niya ulit ang kanyang career bilang isang artista. Pero marami kaming nakakausap na mga tao na nagsasabing nami-miss  nila si Bistek, lalo na sa pagkakataong ito na may hinaharap na malaking problema ang lunsod. Naaalala kasi nila iyong ugali ni …

Read More »

Juday, Bela, AshMatt, at Angel, mabilis na nakalikom ng tulong

DAHIL sa walang shooting, walang taping, walang out of town shows, mabilis na nakakikilos ang mga star para gumawa ng kanya-kanyang proyektong pantulong sa mga biktima niyang enhanced community quarantine. Marami kasi ang nawalan din ng trabaho at walang makain. Marami naman ang mga frontliner na napakaraming trabaho, hindi na halos makauwi, hindi na makakain nang maayos at wala pang …

Read More »

Bela, nagbigay-tulong sa Caritas Mla, Pasay, at mga frontliner; SPEEd, nasa puso ang pagtulong

HALAGANG P1-M mga de lata, bigas at iba pang pangangailangan ang ibinigay ni Bela Padilla sa Caritas Manila, para ayudahan na ang pinakamalaking charitable institution ng simbahang Katolika sa kanilang ginagawang relief operations para sa mga mahihirap na nagugutom na dahil sa community quarantine dahil diyan sa Covid 19. Nagbigay din si Bela sa city government ng Pasay, bukod pa roon sa personal …

Read More »

Angel, naghahagilap ng beddings para sa mga frontliner

NANANAWAGAN si Angel Locsin sa mga may kakayahan at mabubuting kalooban na baka maaari silang makapagbigay ng beddings para sa mga frontliner na kailangang matulog sa mga tent malapit sa kanilang pinapasukang ospital. Siksikan na kasi sa ospital at para ma-maintain ang social distance, kailangan sa kanila na may matulog sa mga itinayong tents. Marami naman kasi sa kanila na hindi na …

Read More »

Aktres, magpapabuntis na lang sa BF para ‘di siya iwan

blind item woman

ANG banta raw ng isang female star, magpapabuntis na siya sa kanyang boyfriend para siguradong hindi siya iwanan niyon. Malaki na rin ang kanyang “investment” sa kanyang boyfriend, na ilang panahon din naman niyang sinustentuhan ang kabuhayan at pati na ang mga bisyo. Kaya naman nagsisiguro siyang hindi na siya iwanan niyon. Iyan ang hirap sa mga babae ngayon eh, mas …

Read More »

Sunshine to Chuckie — There was no us

NAKU, napahiya si Chuckie Dreyfus noong sabihin ni Sunshine Cruz na hindi totoong naging magsyota sila noong panahong magkasama pa sila sa That’s Entertainment. Noon kasing maging guest si Chuckie sa  Huwag kang Judgmental, portion ng Eat! Bulaga, natanong siya kung ilan ang naging girlfriends niya roon sa That’s Entertainment. Ang isinagot niya, ”siyam o sampu yata.” Nang sabihin sa kanya na pangalanan niya maski dalawa lang …

Read More »

Pagliligawan noon sa That’s, ‘di pinapayagan ni Kuya Germs

NOON ngang panahon ng Thats’ Entertainment, natatandaan namin talagang dini-discourage ni Kuya Germs ang pagliligawan ng kanyang mga talent, dahil sinasabi nga niya, sa rami ng mga iyan tiyak na iyon ay pagmumulan ng “tsismis at controversies.” Pero hindi naman niya mapigilan dahil ang mga fan ang gumagawa ng love teams, at hindi naman niya puwedeng hindi suportahan iyon. Pero sinasabi nga niya …

Read More »

Indie actor, ginawan ng sex video ang gay client

blind mystery man

TINAWAGAN daw ng isang indie male star ang isa niyang gay client, at niyayayang mag-date sila. Ang sagot naman daw ng gay client, ”ayoko muna, delikado ang Covid-19″. Siguro kailangan ni male indie star ng pera kaya gumawa siya ng ibang offer. Sabi niya ”gusto mo igawa na lang kita ng sex video para panoorin mo?” Kumagat naman daw ang male client. Gumawa ng sex video …

Read More »

BF ni aktres, may criminal records

blind item

WALANG kamalay-malay si female star na ang pamilyang kanyang balak pasukan ay maraming madilim na nakaraan at criminal records hanggang sa ngayon. Sabi nga ng isang beteranong aktres, awang-awa siya sa baguhang female star na walang alam tungkol sa background ng buhay at pamilya ng kanyang boyfriend. Ganoon naman talaga ang buhay. Kailangang matuto kang tuklasin ang lahat sa mga karelasyon mo …

Read More »

Ineendosong gatas ni female star, ‘di totoong iniinom

blind item woman

SI female star ay endorser ng isang kilalang brand ng gatas. Sa isa niyang taping, iniabot sa kanya ng alalay niya ang isang “mixer tumbler” na naglalaman ng kanyang iinumin, Nagtanong ang female star, ”ano ito?” Sumagot naman ang alalay, ”iyon pong sus…… ninyo ma’am.” Kinalog ng female star ang tumbler at ininom iyon. Hindi pala totoong ang gatas na ine-endorse niya at sinasabi niyang …

Read More »

Arnell, tutulong sa mga nawalan ng trabaho

NOONG pumirma si Arnell Ignacio ng management contract sa Viva Artists Agency, napag-usapan din ang kanyang role lalo na sa Department of Labor and Employment. Hindi pa naman kasi tuluyang binibitiwan ni Arnell ang kanyang trabaho sa gobyerno. Nasabi niya na maraming programa ang DOLE na pinaniniwalaan niyang makatutulong ng malaki sa industriya ng entertainment sa ating bansa. Isa nga sa napag-usapan ay …

Read More »

Kasalang Richard at Sarah, isang christian wedding

AYAN na naman sila, natuloy daw ang civil wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Pero ano mang tingin ang gawin namin doon sa mga picture na nakita namin sa Instagram, hindi iyon isang civil wedding. Habang nakatayo sina Richard at Sarah, sila ay napaliligiran ng ilang mga lalaking para silang ipine-pray over. Kaya maliwanag sa amin na iyon ay isang “born again” …

Read More »

Aktor, nagbebenta na ng plantsa (walang-wala na kasing pera)

blind item

WALA na raw datung ngayon ang isang male star. Ang masakit, wala na rin siyang masyadong makuhang datung sa kanyang “personal sideline.” Naikot na yata niyang lahat ang maaaring magka-interest sa kanyang kliyente, at “disappointed” naman daw ang mga iyon sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit ngayon nagsisimula na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga personal belongings kahit na palugi. …

Read More »

Lakas ng loob at responsibilidad, ipinairal ni Kim (sa kabila ng pagkaka-ambush)

SUWERTE pa rin si Kim Chiu, nagkataong nagpapahinga siya sa loob ng kanyang customized van habang bumibiyahe papunta sa kanyang taping, dahil kung nakaupo siya at nagbabasa ng script kagaya ng kanyang nakagawian, tiyak na tinamaan siya ng isa sa dalawang balang lumusot sa kanyang sasakyan. Bale walong bala ang naiputok sa kanila ng mga unidentified gunmen. May hinala na …

Read More »

Claudine, galit pa rin sa pamangking si Julia

INAMIN ni Claudine Barretto na may galit pa rin siya sa kanyang pamangking si Julia. May nagtanong kasi sa kanya kung sino sa palagay niya ang mas mahusay na aktres, kina Julia Montes at Julia Barretto, at mabilis niyang sinagot na ang choice niya ay si Julia Montes. Tinanong siya ulit kung iyon bang sagot niya ay dahil sa tingin …

Read More »

Aktor, itinurong nagturo sa kapwa actor para maging high end escort

MUKHANG ang sinisisi sa masasamang activities ng isang male star ay ang kanyang barkadang aspiring male star din. Mukhang ang kanyang kaibigan daw ang dahilan kung bakit nagsimula ang male star sa kanyang ginagawang “high end escort service.” Pero iyon nga, dahil kailangan din naman niya ng pera kaya nalulong na sa ganoong sideline ang male star. Nakakaawa talaga ang …

Read More »

Indie actor, nagpapa-video kasama ang client

blind mystery man

DAHIL nga siguro sa tindi ng pangangailangan, hindi lamang suma-sideline, pumapayag pa ang isang dating indie actor na mai-video ang sarili kasama ang kanyang mga client. Iyon pala ang dahilan kung bakit napakarami niyang private sex videos na kumakalat sa internet. Ang ikinakatuwiran na lang daw ng dating indie actor sa kanyang misis, at sa kanilang “pastor” ang mga video na iyon …

Read More »

Matteo, bakit ‘di na lang idemanda ang dating bodyguard ni Sarah?

BAKIT hindi idemanda na lang ni Matteo Guidicelli ang dating bodyguard ni Sarah Geronimo dahil sa ginawang pagpapa-blotter niyon sa kanya sa Presinto 7 ng Taguig Police, at pagpapa-interview pa sa radyo tungkol sa sinasabing pananapak niya kung hindi naman talaga totoo iyon kagaya ng kanyang claim? Ganoon din ang iginigiit ng kanyang manager na si Vic del Rosario, na “wala naman daw sinapak …

Read More »

Panganganak ni Anne, natabunan ng hostage taking sa Greenhills

HINDI halos namalayan ang balita tungkol sa panganganak ni Anne Curtis sa isang ospital sa Melbourne, Australia dahil nasabay iyon sa isang hostage taking na tumagal ng 10 oras sa Greenhills. Dati madalas kami sa mall na iyon, paborito namin ang isang Chinese restaurant doon, iyong Shin Ton Yon. Ngayon lang tinatamad kaming magpunta sa Greenhills dahil sa traffic at doon sa …

Read More »

Mommy Divine, lalong napasama sa pagsasalba ng imahe nina Sarah at Matteo

Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

AGREE ang maraming observers, na sa ginagawang damage control ngayon para maisalba ang image nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil sa kaguluhang naganap noon sa kanilang sikretong kasal na ang magiging “collateral damage” ay ang nanay ni Sarah na si Divine Geronimo. Tiyak na siya ang pagbubuntunan ng sisi para maisalba ang image ng kanyang anak at manugang. Ang masakit pa ay ang bintang …

Read More »

Direk Joel, nakapag-promote ng Hindi Tayo Pwede sa senado

WALA naman daw pagta-trying hard sa parte ni director Joel Lamangan nang mag-promote pa siya ng pelikula niyang Hindi Tayo Pwede nang humarap siya bilang resource person sa pandinig ng senado sa franchise extention ng ABS-CBN. TINANONG naman kasi siya ni Senadora Grace Poe kung ano ang pelikula niya. In fact, nagtanong pa si direk Joel kung ok lang bang sabihin pa iyon. Pero binigyan siya ng …

Read More »