Wednesday , June 24 2026

Janella at Markus, walang balak ilihim si Baby Jude

NATUWA kami nang makita namin iyong video nilang, ”Hey Jude” na  documented simula sa pagbubuntis, panganganak, at sa ginawa nilang pagpapakilala ng kanilang anak na si Jude noong isang araw. Inilabas sa joint youtube channel nina Janella Salvador at Markus Patterson ang nasabing video ng kanilang anak.

Dahil sa ginawa nilang documentary, maliwanag na wala silang balak na itago sa publiko ang panganganak ni Janella noong October 20, 2020. Naghintay lang sila ng tamang panahon para iyon ay ilabas sa publiko.

Mukhang tuwang-tuwa naman ang kanilang malalapit na kaibigan sa kanilang anak na si Jude at ang mga iyon ay nagpahatid pa ng video bilang pagbati sa anak nina Janella at Markus. Ibig sabihin, hindi talagang lihim dahil alam ng marami, hindi nga lang nila binuksan agad sa publiko.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …