Saturday , June 15 2024
blind mystery man

Aktor, nakukuha lang sa halagang ‘wampipti’

HINDI na pala bago iyong usapang “wampipti.” Nagkukuwentuhan sila na noong araw daw, doon sa kanilang lugar, inaabangan ng mga bading ang isang male star paglabas sa eskuwelahan, at sa halagang ”wampipti” ay sumasama na iyon sa mga bading kahit na saan.

Kung wala naman daw pasok, inaabangan siya sa basketbolan na malapit sa kanila. Pero noong araw iyon bago siya naging artista.

Ngayon naman, na kahit na paano ay sikat na siya, may asawa na nga at dalawang anak, puwede pa rin naman daw siya, pero siyempre hindi na “wampipti.” Medyo umasenso na rin.

Pero ang sinasabi ng mga bading na nakakilala sa kanya noong panahong “wampipti” pa lang siya, ”hindi ko naman babayaran iyan ng malaki. Talagang pang “wampipti” lang naman ang itinatago niyan.”

Hindi naman maikakaila na mas pogi siya ngayon kaysa noon, lalo na’t naayos na nga nang kaunti ang kanyang ilong at batak sa gym ang kanyang katawan, pero dahil nakuha na nga siya sa halagang “wampipti” noong bagets pa siya, wala silang balak na magbayad ng mas malaki pa ngayon lalo na’t matanda na siya, at kung iisipin mo marami na siyang pinagdaanan. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *