Friday , April 26 2024

Ed de Leon

Nadine, wala nang balak gawin isa man sa 7 pelikula ng Viva

KUNG pakikinggan natin ang sinasabi ng kampo ni Nadine Lustre, wala na siyang balak na gawin isa man sa sinasabing pitong pelikula pang kailangan niyang gawin sa ilalim ng kanyang Viva contract. Kung sabihin nga nila ngayon ay “oppressive” at “one sided” ang kanyang kontrata pabor sa kompanya, at hindi lang siya, idinadamay pa niya ang iba pang artists na may ganoon ding …

Read More »

Aga, nagiging suki ng Korean film

IYONG gagawing pelikula ni Aga Muhlach, isang remake na naman ng isang Korean film, iyong A Man and a Woman. Siyempre ganoon ang ipagagawa sa kanya dahil isipin nga naman ninyo, iyong nakaraang pelikula niyang ganoon kumita nang mahigit na P500-M. Inamin ng Viva na iyon ang pelikula nilang kumita nang pinakamalaki. Mas malaki iyon kaysa kinita ng mga pelikula nina Sharon Cuneta, Robin Padilla at …

Read More »

Nadine, walang kawala sa Viva (maliban kung bibilhin ang kontrata)

HINDI maiiwasan ni Nadine Lustre ang usapang legal, dahil lumalabas na hindi pa naman pala tapos ang kanyang kontrata sa Viva. Sa kanilang kontrata, ang Viva ay hindi lamang film producer kundi talent manager din niya. Hindi siya pinansin ng Viva nang pumirma siya ng recording contract sa kompanya ni James Reid, bagama’t iyon ay labag din sa kanilang management contract kung iisipin. Kasi …

Read More »

#malandingbata, kontrabida na ang tingin ng publiko

blind item woman

TALAGANG trying hard ang #malandingbata, para maibangon ang kanyang image, pero ano man yata ang gawin niya, ang tingin ng mga tao sa kanya ay kontrabida siya at dahil doon ay flop siya. Wala na ngang pumapansin sa kanya, kaya siya na lang mismo ang panay ang post sa social media ng kanyang mga activities, pero mukhang wala rin namang …

Read More »

Megan at Mikael, ikinasal sa Subic at hindi sa Calaruega

NAGKAGULO sila sa pagmamadali, isipin mo nga naman na walang nakaalam na ikinasal na pala ang dating Miss World na si Megan Young sa kanyang boyfriend na si Mikael Daez noong Sabado, at walang nakatunog niyon kung hindi nila inilabas mismo ang mga picture sa kanilang social media account. Pero nagkaroon kami ng duda dahil sinasabi ngang nagpakasal silang dalawa sa San Roque Chapel sa Subic …

Read More »

Dating sexy male star na pinagnanasaan, marusing na ngayon

blind mystery man

MUKHANG kawawa ang isang dating sexy male star na lumalabas sa mga pelikulang indie. Nang makita namin siya, tumaba, tumanda, at marusing na akala mo taong grasa na. Noong araw naman may hitsura iyan. Aminado siyang hindi maganda ang nangyari sa kanyang buhay, Naloko siya sa sugal at walang naipon. Nang malaunan, iniwan na rin siya ng asawa niya. Nilalapitan daw niya …

Read More »

Larawan at video na nakikipaghalikan si James kay Issa, kalat na kalat; pandedenggoy umano, matagal na

KASABAY halos ng pagkalat ng isang statement na sinasabing “jointly” ginawa nina Nadine Lustre at James Reid, na opisyal na nagpahayag na totoong split na nga sila, may naglabasan ding mga tsismis na umano, talamak ang pandedenggoy ni James sa kanyang girlfriend. Ang tinutukoy namin ay iyong lumalabas sa social media, mga malalabong pictures, iyong video naman ay malabo rin. Mukhang kuha lang …

Read More »

Discoveries sa isang noontime show, may madidilim na nakaraan

blind item

HINDI nga ba iyong mga “bagong discoveries” nila sa isang noontime show, ano ang usapan? Hindi ba mga lalaking may madidilim na nakaraan. Hindi lang usapan, naglalabasan ang mga sex video na ginawa noong araw pa. Bakit gumagawa sila ng ganoong sex videos? Hindi ba “under the table business iyan”? Pero tingnan ninyo, tinitilian pa rin. Huwag na iyong mga …

Read More »

Nadine, sasabak na sa mga sexy role

BUKOD sa mga picture nilang akala mo nagha-honeymoon sa Brazil, hataw din ang labas ng mga sexy picture ni Nadine Lustre na lumalabas sa mismong social media account niya. Maaaring nasa abroad nga siya at ang naglalabas niyon ay ang kanyang account administrator, pero sigurado pinayagan niya ang paglalabas niyon. Mukha ngang desidido si Nadine na sa kanyang pagbabalik, susubukan na niya …

Read More »

Jiro, sabit lang sa gulo?

KUNG totoo ang sinasabi ng ilang testigo na naglabas ng kanilang nakita sa social media, aba eh kawawa nga si Jiro Manio. Si Jiro ay nakakulong ngayon sa Marikina Police Station matapos na siya ay sampahan ng kasong frustrated homicide, matapos na sinasabing saksakin niya ang biktimang kinilalang si Zeus Doctolero. Ayon sa report ng pulisya, sinugod daw ni Jiro si Doctolero …

Read More »

Ate Vi sa mga Batagueño — babangon tayo! (Pagiging madasalin ng mga Batagueño, makatutulong)

“BABANGON tayo!”, ang sinasabi ni Congress­woman Vilma Santos sa lahat ng evancuation centers na pinupuntahan niya, hindi lang sa kanyang distrito sa Lipa maging sa iba’t ibang lugar sa Batangas. Aminado rin naman siya na sa buong siyam na taong siya ang governor ng Batangas, isa sa lagi niyang ipinagdarasal ay huwag pumutok ang Taal. “Alam ko kasi malaking problema iyan para …

Read More »

Serye ni Alden, ‘di na nakaangat; Inilampaso ng Lizquen matapos ni Juday

KAWAWA naman ang serye ni Alden Richards. Noong nakaraang linggo lamang ay sinasabing inilampaso iyon sa ratings ng pagtatapos ng nakalaban niyang teleserye ni Judy Ann Santos. Ngayon naman sinasabing inilalampaso iyon sa ratings ng teleserye ng LizQuen. Ano pa nga ba ang magagawa nila para hindi naman magmukhang kawawa si Alden sa pagtatapos ng kanyang serye? Ini-extend pa raw iyon ng isang …

Read More »

Juday, hindi ‘flopsina queen’

HINDI naman kami payag doon sa sinasabi ng mga basher na si Judy Ann Santos ang “flopsina queen”. Totoong mahina ang pelikula ni Juday nitong nakaraang festival na sinasabing kumita lamang ng P20-M sa 10 araw. Aba noong araw na hindi pa ganyan kamahal ang bayad sa sine, kung P20-M lang ang kikitain ng pelikula ni Juday sa isang araw problema na …

Read More »

Role ni Bistek sa teleserye ni Liza, ‘di bagay

NAGBALIK-SHOWBIZ na nga pala si dating mayor Herbert Bautista. Pero ang una niyang project ay isang serye sa telebisyon, at lalabas siyang tatay ni Liza Soberano. Makikita mo, sa diskarte mukhang sigurista si Bistek, dahil masasabit siya sa isang serye na magiging hit naman siguro, at wala pang pressure sa kanya. Pero kung kami ang tatanungin ha, parang hindi bagay. Kasi lalabas …

Read More »

Hubad na picture ni actor, ikinalat ng kaibigang aktor

BIGLANG kumalat ang picture ng isang male star, palabas siya ng banyo matapos maligo, nakahubad at kita ang buong katawan. Nang makita niya iyon, alam niya kung saan nangyari iyon, sa isang hotel sa probinsiya na roon sila nagkaroon ng isang basketball game. Alam din ng male star kung sino ang ka-share niya sa room noong araw na iyon, isa …

Read More »

Aktor, bukod sa may sex video, nakikita ring ka-date ng matrona, bading, at tambay sa mall

blind mystery man

PARANG hindi napapansin ang isang male star sa kanyang pinuntahang press conference, pero hindi niya alam na sa mga bulungan doon ay siya ang pinag-uusapan. Ang topic siyempre ay ang kanyang kontrobersiyal na sex video. Sinasabing ginawa niya ang sex video na iyon bago pa man siya naging isang artista, pero paulit-ulit nga iyong lumalabas at mukhang hindi makalimutan ng …

Read More »

Matinee idol, lumipat na kay bading na singer, no pansin na kasi kay body builder model

MATAPOS na lumabas ang sex video ng isang body builder-model kamakailan, sinabi ng isang bading na matinee idol na nanghihinayang siya sa kanilang “naging relasyon” noong araw. Niligawan daw talaga ng bading na matinee idol ang model-body builder na iyan, at pinagtitiyagaan niyang hintayin sa labas ng pinupuntahang gym. May nangyari naman pero siguro hindi talaga trip ng model-bodybuilder na makipag-relasyon sa bading. Una …

Read More »

Pelikula ni Aga, lalaban (extended kasi) pa sa Star Wars

PALABAS na ang Star Wars, pero may mga sinehang ang palabas pa rin ay ang pelikula ni Aga Muhlach. Ibig sabihin patuloy pa ring kikita ang pelikula, at sinasabi ng mga observer na baka sakaling kung magpatuloy pa rin ang pasok ng tao sa pelikula ni Aga, malampasan niya ang record na P450-M ni Vice Ganda na nairehistro sa festival …

Read More »

Maine Mendoza, to the rescue kay Arjo sa #arjotheuser; ipinost ang #yestoarjo

IPINAGTANGGOL ni Maine Mendoza ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde sa ginawa ng ilang fans na nag-exchange pa sa internet ng #arjotheuser. Iyan ang mga damage control hindi napaplano at napag-iisipan. Kung hindi nag-react si Maine, siguro ang makakakita lamang niyong #arjotheuser ay iyon lang ding nagpapalitan ng mensahe na may ganoong hashtag. Pero dahil pinansin ni Maine, mas …

Read More »

Aktor, posibleng sa kangkungan na pulutin

blind item

PALAGAY nga namin, mukhang mahihirapan nang makabawi ng kanyang popularidad ang isang male star. Kasalanan din naman niya. Nagpabaya kasi siya sa kanyang career. Para bang ang palagay niya noon matibay na ang kanyang katayuan at ano man ang kanyang gawin ay sikat na siya. Hindi niya namamalayan na unti-unti na ngang bumababa ang kanyang popularidad hanggang noon gusto na …

Read More »

Aktor, wala nang career, nakipagkita na lang sa gay millionaire abroad

WALA na. Talagang hanggang doon na lang ang buhay ni male star. Hindi naman kasi natuloy ang sinasabing mga project niya, kaya ang tsismis, nagbakasyon siya sa abroad nang mag-isa lang. Pero ang totoo pala, sa abroad ay may naghihintay na sa kanya. Isang gay millionaire na walang maitutulong sa kanyang career, pero makatutulong sa kanya habang wala pang patutunguhan ang kanyang career. …

Read More »

Misis ni aktor, nagwala

NAGWALA ang misis ng isang male starlet, talagang ineskandalo ang sinasabing girlfriend niyon na nagta-trabaho sa abroad. Nagtatrabaho raw sa Japan ang girlfriend at sinusustentuhan din ang male starlet, pero ayaw pa rin ni misis kaya ineskandalo niya iyon. Pinuntahan niya ang bahay ng pamilya at gumawa siya talaga ng eksena. Walang nagawa ang male starlet na nahuli ring nasa bahay ng …

Read More »

Herbert, dapat na ring gumawa ng magandang pelikula

NGAYONG nakagawa ng isang malaking hit si Aga Muhlach, na sinasabing mukhang aabot ng P300-M ang kita hanggang sa pagtatapos ng festival, aba hamon din naman iyan sa kasama niya sa Bagets na si Mayor Bistek (Herbert Bautista) na gusto ring magbalik sa pelikula. Tamang project lang at tamang handling ang kailangan kaya rin niya iyan. Huwag lang siyang magkakamaling …

Read More »