Saturday , October 1 2022

Third party, dahilan ng hiwalayang Derek at Andrea

SINASABI ng isang mapagkakatiwalaan naming source, “may third party, na siyang dahilan ng split-up nina Andrea Torres at Derek Ramsey.” Reliable source siya para sa amin, at kung hindi nga totoo ang tsismis niyang ito, ngayon lang siya magkakamali. Hindi pa rin naman kasi opisyal na umaamin sina Derek at Andrea na split na nga sila, bagama’t inalis na ni Andrea sa kanyang social media account ang lahat ng pictures nilang dalawa ni Derek at i-unfollow na rin niya iyon.

Ganoon din naman ang ginawa ni Derek, na inalis na ang lahat ng mga picture na kasama niya si Andrea pero hindi naman siya nag-unfollow.

Pilit naming tinatanong kung sino ang sinasabi niyang third party at ang sabi lang ng aming source ay “malalaman din ninyo.”

Nakagugulat iyang pangyayaring iyan dahil ilang buwan lamang ang nakararaan ay sinasabi nina Derek at Andrea na maaari na nga silang pakasal. Hindi man nila inaamin, alam ng lahat na nagli-live in na sila, dahil hindi nga ba’t si Andrea pa ang nagsugod kay Derek sa ospital isang madaling araw nang sumakit ang mga mata niyon dahil sa naging exposure sa UV light?

Ngayon, kahit na anong pagsisikap ang gawin para malaman kung talaga ngang split na sila o hindi ay walang nakukuhang sagot mula sa kanila, o sa mga tao mang may kinalaman sa kanilang career. Mukhang wala pang gustong magsalita dahil hindi pa naman siguro final ang desisyon nilang mag-split. Baka nga nagkatampuhan lamang silang dalawa at sooner or later ay magkakabalikan din.

Kaya nga kahit na very reliable ang aming source ay hindi pa rin namin lubos na pinaniniwalaang totohanan na ang split nilang dalawa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply