Friday , May 17 2024

Duque resign — Solon

MAG-RESIGN ka na Duque!

Ito ang hiling ni Magdalo Party-List Rep. Manuel Cabochan III kay Department of Health (DOH) Secretary Fran­cisco Duque III matapos niyang sisihin  ang kanyang mga tauhan sa ibinimbing ‘konsolasyong

Benepisyo’ para sa health workers na nama­tay at nagkasakit  nang mahawa ng coronavirus (COVID-19).

“For once, he should take responsibility on the fiasco in DOH and resign,” ayon kay Cabo­chan na dating tenyente sa Navy.

“Blaming his subordinates for the delay in health workers benefits is the height of Sec. Duque’s irresponsibility. He should be ashamed he even thought of that much more say it in words,” ani Cabochan.

Naging laman ng nga diyaryo si Duque noong Biyernes matapos niyang sisihin ang mga emple­yado ng kagawaran sa pagkaantala sa pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers na namatay at nagkasakit ayon sa ipinag-uutos ng Bayanihan to Heal as One Act.

“Kasi nakakahiya talaga, sir, e. Namatayan na nga, tapos nag­pawarde-warde (pa ang) mga tao ko na parang walang sense of urgency, sir (It’s really embarrassing, sir. These families’ loved ones died and yet my people have been dilly-dallying, it’s like they don’t have a sense of urgency, sir),” ang walang kahihiyang sagot ni Duque kay Pangulong Duterte noong Biyernes.

Makalipas ang ilang oras, inako ni Duque ang responsibilidad bilang kalihim ng kagawaran.

Sinisi rin ni Cabochan si Duque sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

“He must remember, else he must be reminded, that we are too deep in this COVID mess because of his delayed response or recommendation because he downplayed the virus and was more worried on the repercussions should we impose travel ban on China in January or February,” ayon sa kinatawan ng Magdalo sa Kamara.

Ani Cabochan, nag-alangan si Duque na pagbawalan ang pag­dating ng mga Intsek muka sa Tsina sa bansa na dapat ginawa noon pang Pebrero.

“In a crisis manage­ment standpoint, that was a costly error,” ayon sa kongresista.

Nauna nang nana­wagan ang 14 sa 24 senador na bumaba si Duque sa puwesto dahil sa kanyang “failure of leadership” sa gitna ng pandemyang COVID-19.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *