Thursday , May 23 2024

Bakwit ng Tanauan umangal sa gutom at sakit sa evac centers

HABANG may oversupply ng mga damit ang bakwit sa Tanauan City Gymnasium, nagkukulang naman sa mga gamot at pagkain.

Ayon sa mga bakwit, nagkakasakit na sila maging ang kanilang mga anak dahil sa congestion.

Wala rin anila silang regular na rasyon ng pagkain.

Ayon kay Georgina Quembo, taga-Barangay Ambulong ng Tanauan, halos dalawang linggo na silang nasa evacuation center at walang pinagka­kakitaan.

“Inuubo’t sipon na kami rito at hanggang ngayon wala pang sina­sabi kung kailan kami pauuwiin,” ayon kay Quembo.

Si Quembo at ang kanyang asawa na si Domingo ay nagtitinda ng tawilis sa bahay nila malapit sa Talisay.

“Dahil sa kawalan ng kita nagtitiyaga kami sa kung ano ang ibigay sa rasyon,” ani Quembo.

Ganoon din ang rekla­mo ni Jocelyn Austria.

“Hindi po regular ang rasyon, kanina mayroon, ngayon wala,” ani Austria.

Si Austria at Quembo ay parehong taga-Ambulong, ang isa housewife habang nagta­trabaho ang asawa.

Kasama sila sa 1,483 bakwit na lumikas sa Ambulong sa Tanauan at Agoncillo sa Batangas.

Ngayon, sila ay nakatira sa mga cubicle na gawa sa lona higit dalawang metro kuwa­drado ang laki.

Kinuwestiyon nila ang desisyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagbabawal na pumasok sa barangay nila ngayong tahimik ang bulkang Taal.

“Tahimik na nga po ang Taal e bakit ga ayaw kaming pabalikin,” himu­tok ni Quembo.

“Sana po, maawa naman sila at pabalikin na kami,” pakiusap ni Austria.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Check Also

CAAP RP-C6923 Cessna plane

CAAP nakatutuok, sa sumadsad na Cessna plane

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad …

arrest prison

Ex-convict nangholdap, nanakit ng estudyante

BALIK-HOYO ang isang lalaking ex-convict na sinabing notoryus na holdaper matapos biktimahin at saktan ang …

cal 38 revolver gun

2 kelot hoyo sa boga nang masita sa yosi

KAPWA bagsak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos mabisto ang dalang baril makaraang masita ng …

Inasunto ng SSS
4 EMPLOYERS BUKING SA P15-M UNPAID WORKERS’ CONTRIBUTIONS

BUNGA ng patuloy na pagpapatupad ng Social Security System (SSS) sa kampanyang Run After Contribution …

shabu drug arrest

Bebot, 1 pa arestado sa P340k shabu sa QC

SA PATULOY na pagpapatupad ng Quezon City Police District (QCPD) sa programa ng Department of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *