Saturday , July 27 2024

Upgrade ng PhiVolcs equipment panawagan ng majority leader

NANAWAGAN si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez sa Philip­pine Institute of Vol­canology and Seismology (PhiVolcs) na i-upgrade na ang kanilang mga kaga­mitan sa pamamagitan ng P221 milyong budget ngayong 2020.

Ani Romualdez, kailangan nang pag­ibayuhin ang monitoring at warning equipment upang magkaroon ng gamit sa volcanic eruption, earthquake at tsunami.

Ginawa ni Romua­ldez ang panawagan matapos ang biglaang pagsabog ng bulking Taal kasunod ang mga reklamo ng mga taga-CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na nabigla sa pagsabog ng bulkan noong Linggo ng hapon.

“We do not fault the PhilVolcs for the lack of adequate warnings on the impact of the phreatic explosion. We are aware that it is really difficult to predict the occurrence of volcanic eruption and related disasters,” ani Romualdez.

“But this is precisely the reason why Congress included more than P221.48 million capital outlays in the P588.12 million total budget of PhiVolcs for 2020. We need to upgrade the country’s monitoring and warning program for volcanic eruption, earthquake and tsunami,” dagdag niya.

Kaugnay nito nanawagan si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, ang chairperson ng House committee on the welfare of children, na kailangan nang ipasa ng Kongreso ang panukalang Department of Disaster Resilience (DDR).

“Time and again, the wrath of nature reminds us to come up with strategic and systematic approaches to disaster prevention, mitigation, pre­pared­ness and response,” ani  Yedda Romualdez, asawa ni Martin Romual­dez.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *