Thursday , June 4 2026

Underspending sa 2020 dapat iwasan ng gobyerno

MATAPOS pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang General Appropriations Act para sa 2020, hinimok ni House deputy majority leader BH party-list Rep. Bernadette Herrera ang Ehekutibo na gastusin ito sa pinakamaayos at mabi­­li­sang paraan upang maiwasan ang under­spending sa gobyerno.

“The ball is now in the executive department’s court on how to spend the funds in a fast but proper manner so the usual problem of under­spend­ing will be avoided,” ani Herrera.

Si Herrera, miyembro ng bicameral conference committee, ay nagpaala­ala sa ehekutibo na malaki pa sa pinirmahan ni Pangulong Duterte ang budget dahil may naiwan pang pera sa nakaraang 2019.

Aniya, dalawa ang budget ng gobyerno ngayon.

Ang una ay ‘yung General Appropriations Act for 2020, na nagkaka­halaga ng P4.1 trilyon at pangalawa ang hindi nagastos noong 2019 GAA na inaprobahan ng kongreso para magamit hangang sa katapusan ng 2020 sa pamamagitan ng Republic Act 11464.

“So if government were a car, it will start  the year with a full tank of gas plus a reserve tank from last year’s unused supply,” paliwanag ni Herrera.

“Under this circum­stances, what should it do? Step on the gas so it will have all its pistons running. The first half of this year is the make-up period for the last year’s late passage of the budget,” ayon sa kongresista.

Pero nagbabala siya na kailangang makatu­wiran ang paggastos ng pondo ng bayan.

“But haste should not lead to waste,” ani Herrera.

“Poor spending is as bad as underspending. It should not lead to panic spending where agencies, just to meet targets, will apply money on easy to spend projects that  register low in the public good,” aniya.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …