Monday , August 8 2022
File name; mmda-1.2.3.4 Pinasara ni Metro Manila Development Autoruty [ MMDA ] Chairman Danny Lim ngayong araw Miyerkules Hunyo 20 ang bus terminal na Penafrancia sa North bound ng Edsa Pasay City ng hindi sumunod sa kanilang pinaguutos na nose in nose out policy ......Mikee Taboy

Petisyon laban sa bus ban ihihirit ng Ako Bicol sa SC

MULING hihirit ang Ako Bicol Party-list sa Korte Suprema patung­kol sa pagbabawal ng mga pamprobinsyang bus sa Metro Manila dahil labag ito sa Saligang Batas.

Ayon kay Rep. Alfredo Garbin, kailangan umano, ng agarang aksiyon ng Korte dito dahil apekatado ang lahat ng biyahero maging matanda o bata man.

“The SC should have taken jurisdiction over the petition on the provincial bus ban as in other cases they decided wherein direct resort to SC is allowed when there are  genuine issues of constitu­tionality that must be   addressed at the most immediate time,” ani Garbin.

Aniya, kasama sa mga remedyo na puwe­deng gawin ng Korte ang “certiorari and pro­hibition” upang silipin ang mga aksiyon ng lehislatura at ehekutibo.

“We respectfully submit that the issues of constitutionality raised in the petition as well as the urgency of the need of addressing the same would qualify as exceptionally compelling reasons which would justify direct resort to the Honorable Supreme Court,” ani Garbin matapos ibasura ng Korte ang kanilang petisyon laban sa bus ban ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Giit ng Ako Bicol lumabis ang MMDA sa mandato nito sa paglalabas ng “MMDA regulation No. 19-002 series of 2019.”

Dapat umanong tingnan ng Korte kung ang regulasyon ng MMDA ay dumaan sa “due process,” at kung ito ba ay panghihimasok sa mandato ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB).

 (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply