Thursday , July 7 2022

Alak masama sa kalusugan Toma sa kalye at public places ‘todas’ sa HB 3047

BILANG na ang masasayang araw ng mga mahilig uminom sa mga pampublikong lugar matapos ihain ng isang kongresista ang panukalang nagbabawal sa pag-inom sa kalsada, eskinita, parke, playground, plaza at parking area anomang oras ng araw.

Ayon sa House Bill 3047 na akda ni Quezon Rep. Angelina Tan, kaila­ngan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pag-inom ng alak bilang isang “public health issue.”

“Alcoholism and violence have clearly become key public health issues that require urgent attention. Hence, it is imperative for the country to initiate proactive policies to curb alcohol consumption in public places,” ayon kay Tan.

Ang mga lalabag ay makukulong nang hang­gang tatlong buwan at pagmumultahin ng P10,000.

Ayon kay Tan, mis­mong ang World Health Organization (WHO) ang nagsasabi na tatlong milyon ang namamatay kada taon dahil sa alak. Ito rin, aniya, ang sanhi ng mahigit 200 sakit.

“Alcohol con­sumption causes death and disability relatively early in life. In the age group 20-39 years appro­ximately 13.5 percent of the total deaths are alcohol attributable,” ani Tan sa pagsipi sa pag-aaral ng WHO.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

Leave a Reply