Thursday , July 7 2022

4 araw na trabaho solusyon sa trapiko

ISA sa mga solusyon sa masamang lagay ng trapiko sa Metro Manila ay pagbabawas ng araw ng trabaho.

Ayon kay Baguio City Rep. Mark Go, malaking bagay kapag ginawa na apat na araw na lamang ang trabaho ng mga empleyado sa gobyerno at sa pribadong kom­panya.

Ani Go, mababa­wa­san ang mga sasakyang bumibiyahe at luluwag ang trapiko sa Metro Manila.

Ayon sa may-akda ng House Bill 1904, magbe­benepisyo sa maikling linggo ng trabaho ang mga employer at kanilang mga empleyado.

Paliwanag ni Go, susundin pa rin ang 48 oras na trabaho sa loob ng lima o anim na araw, mananatili at hahabaan ang oras ng pasok sa loob ng apat na araw.

“This concept can be adjusted accordingly in cases where the normal work week of the com­pany is five days,” ani Go.

Binangit ni Go, pumayag ang Depart­ment of Labor and Employment (DOLE) sa ganitong iskema at ipinapatupad na ito ng ilang mga kompanya.

Sa Kamara de (los) Representantes, matagal nang ipinatutupad ang iskemang ito.

Ani Roger de Mesa, emplyedo ng Kamara, nakatitipid siya sa gasolina at nagkakaroon ng mas maraming oras sa pamilya.

Ani Gilbert Manalo, isa rin empleyado ng Kamara, nagkakaroon siya ngpanahon makipag-bonding sa anak niya at sa asawa.     Ayon kay Go, imbes pagbawalan ang mga provincial bus sa EDSA, ang apat na araw na trabaho ay malawak ang epekto sa pagpa­paluwag ng trapiko.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply