Wednesday , July 6 2022

80-anyos Pinoy dapat din bigyan ng P80,000 — Party-list Solon

DAPAT din bigyan ng pabuya ang mga Filipino na umabot sa edad 80-anyos gaya ng mga naka­abot sa edad na isang siglo o 100 taong gulang.

Ayon kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, ang 80-anyos ay nararapat din bigyan ng pabuya para ma-enjoy mga huling araw sa mundo.

Naghain si Lagon ng House Bill (HB) No. 907 upang maibigay ang mga benepisyong natatangap ng mga centenarians sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 10868.

”Our intention in filing HB No. 907 is to make the cash gift more accessible to more Filipinos and enable them to enjoy it during the twilight years of their lives where medicines and other necessities are more urgent,” ani Lagon.

Sa RA No. 10868, o ang Centenarian Act of 2016, mga Pinoy na umabot nang 100 taong gulang, nasa Filipinas man o sa ibang bansa ay magkakaroon ng P100,000 sa kanyang bertday.

Ayon kay Lagon, isang rehistradong Elec­tronics and Commu­nications Engineer, ang 80-anyos ay dapat mag­ka­roon din ng kaha­lintulad na benepisyo mula sa gobyerno.

Ayon kay Lagon, kaunting Filipino ang umaabot sa 100 anyos para ma-enjoy ang es­pesyal na benepisyong ipinagkaloob ng RA No. 10868.

Binanggit niya ang pag-aaral ng World Health Organization (WHO) noong 2018 na nagsasabing ang average life expectancy ng mga Filipino ay  69.3 taong gulang.

“It should also be noted that many of those who are lucky enough to qualify for RA No. 10868 no longer have the mental faculties to appreciate and enjoy the cash gift,” ani Lagon.

“May kasabihan nga tayong mga Filipino na aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo,” dagdag ni Lagon.

(Gerry Baldo)

About Gerry Baldo

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply