Sunday , May 26 2024
Vice Ganda Calvin Abueva Maine Mendoza Arjo Atayde
Vice Ganda Calvin Abueva Maine Mendoza Arjo Atayde

Mga relasyong ‘di inaamin, nauuso sa showbiz

MUKHANG mauuso ang mga relasyon sa showbiz na ‘di aaminin. At hindi sila aamin dahil wala namang advantage para sa kanila na umamin. At wala ring disadvantage kung ‘di sila umamin.

Mag-date man nang mag-date sa syudad o out-of-town sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, pati na sina Vice Ganda at Calvin Abueva, hindi sila kailangang umamin na may relasyon sila. Sina Maine at Arjo nga, nakaaabot na ang pagdi-date hanggang Bali, Indonesia, sina Vice at Calvin naman ay nakarating na hanggang Boracay.

Malamang na ngayong Christmas season, sina Maine at Arjo, Vice at Calvin pa rin ang magdi-date pero rito lang sa Metro Manila. May entries kasi sina Maine, Vice, at Arjo sa darating na 2018 Metro Manila Film Festival kaya kailangan silang mag-promote ng pelikula.

Actual­ly, magka­sama sina Maine at Arjo sa Jack Em Poy: Pulis­credibles pero ‘di sila magka-loveteam. Si Coco Martin ang parang ka-loveteam ni Maine sa istorya. Most likely ay supporting role na kalaban ng kampo nina Coco, Maine, at Vic ang papel ni Arjo. Nagkaka­pangalan na siya bilang character actor na kontrabida (ang galing n’ya sa Buybust!) at usually ay hindi naman binibigyan ng leading lady ang character actors.

Si Vice naman ay bale sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez ang kasama sa Fantastica. Never naman siyang nagka-loveteam sa pelikula. In real life, mahilig talaga siya sa basketbolista.

Sanay siyang nagpapahiging lang kung sino ang karelasyon n’ya, o kung kanino siya nakipag-break.Ganoon ang ginawa n’ya roon sa basketbolistang ang initial ay TR. Tungkol naman sa kanila ni Calvin,  siya mismo ang nag-post sa Instagram n’ya recently ng pictures nila sa isang lugar na pinagsususpetsahang Boracay. Hindi siya ikinahihiya ni Calvin kaya gustong-gusto n’ya ito.

Happily, parang wala naman sa rules and policies ng mga organisasyong sumasakop sa mga basketbolista na bawal silang maging malapit o magkarelasyon sa mga bading.

Mukhang hindi papayag si Maine na tumambal kay Arjo sa pelikula man o sa TV, pati na rin sa pag-e-endorse ng ano mang product o service. Dahil parang totoo na nga ang relasyon nila, baka may bumuo ng fans club nilang dalawa at mag-demand na naman ng kung ano-ano mula sa kanilang dalawa. Malilimitahan ang personal life nila. Makita lang nila si Maine na may kausap na ibang lalaki, kakatsang na sila na nagtataksil ito.

Actually, ‘pag nagbibiyahe ng out-of-town resorts at out-of-the-country ang showbiz personalities na nali-link sa isa’t isa, biyahe na walang kinalaman sa isang show, ‘di na nila kailangang umamin pa. Ganoon ang ginawa nina Kim Chiu at Xian Lim, Liza Soberano, at Enrique Gil, Ellen Adarna, at John Lloyd Cruz.

But, okey lang na kulitin nang kulitin ng media people at ng bloggers ang mga showbiz idol kung sila na nga ba o hindi pa. Sa pagtatanong nakaangkla ang propesyon nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Aktor ginamit ang power para mawalan ng trabaho kapwa aktor    

COOL JOE!ni Joe Barrameda I feel sorry para sa aming kaibigan na nawalan ng trabaho …

mWell MVP Martin Nievera Regine Velasquez Ogie Alcasid

Martin, Ogie, Regine nakiisa sa unboxing ng newgen watch at precious ring ng mWell

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG-BONGGA ang ginanap na ‘unboxing’ ceremony ng mWell, ang health app ng Metro …

Regine Tolentino iSkin Aesthetic Lifestyle Kate Pagkalinawan

Regine no-no muna sa movie & tv projects

I-FLEXni Jun Nardo TUTOK sa kanyang negosyo at pagsasayaw si Regine Tolentino kaya hindi muna siya tumatanggap …

Marian Rivera pasa Balota

Marian puro pasa, bugbog sarado sa ginagawang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo BUGBOG na katawan at mga pasa sa braso at binti ang natikman …

blind item

Gay photog naunahan kay male starlet ni discreet gay

ni Ed de Leon HINAYANG na hinayang ang isang gay photographer dahil matagal daw na panahon na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *