Saturday , January 28 2023

Arjo naghain na ng COC para Kongresista ng District 1 ng QC; Sylvia suportado ang anak

ni Maricris Valdez-Nicasio

NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang aktor na si Arjo Atayde para sa pagtakbong congressman sa 1st District ng Quezon City sa 2022 elections.

Kaninang umaga nagtungo ang award winning actor sa Commission on Elections National Capital Region (COMELEC NCR) sa Intramuros, Manila para pormal na ihain ang COC kasama ang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez.

Bukod sa mga magulang na sina Papa Art at Sylvia, naroon din ang incumbent mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte na sumuporta sa Kapamilya actor.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Joy na ineendoso niya si Arjo dahil mabuting bata at maganda ang puso.

Pangako ni Arjo, pagsisilbihan niya nang tapat ang District 1 ng Q.C.. Ipinangako rin niyang hindi siya magnanakaw sa kaban ng bayan at hindi lolokohin ang kanyang mga kadistrito.

Ilan sa mga tututukan ng itinanghal na Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards para sa digital series niyang Bagman ay ang edukasyon, healthcare, employment, at frontliners.

Nais din ni Arjo na bigyang solusyon ang pagbaha sa West Riverside.

Sa kabilang banda, may babala ang inang si Sylvia sa anak na si Arjo, “Suportado kita anak. Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka ng tapat at totoo.

“At huwag na huwag kang manloloko o magnanakaw dahil kapag ginawa mo ‘yun ako mismo ang kakastigo sa iyo.”

Sinabi pa ni Sylvia na sasapakin niya ang anak kapag nangurakot ito. 

Pero 101 percent sure naman ang magaling na aktres na hindi magagawang mangurakot o magnakaw ng kanyang anak dahil kilalang-kilala niya ang pagkatao at ugali nito. 

Katunayan, noong June 2021 ay nag-donate si Arjo ng mga service vehicle sa Quezon City government para makatulong sa logistics ng pamahalaang lokal bilang panlaban sa COVID-19 pandemic.

Sa huli muling iginiit ni Arjo na, “Pagsisilbihan ko ng tapat ang District 1 ng QC. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at ‘di ako magnanakaw.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Mang Kanor Nika Madrid Emelyn Cruz Rez Cortez

Rosanna Roces naluma sa tapang maghubad nina Nika Madrid at Emelyn Cruz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin ang Mang Kanor na pinagbibidahan ni Rez Cortez. Naloka kami dahil parang porno …

Hello, Universe

Hello, Universe! ni Janno wholesome at pwede sa mga bata

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAPANOOD kami ng premiere showing ng Hello, Universe! na pinagbibidahan nina Janno Gibbs, Anjo …

Alden Richards Boy Abunda

Alden madalas mag-share ng blessings kaya sinusuwerte

COOL JOE!ni Joe Barrameda HATS off kami kay Alden Richards sa mga isiniwalat niya nang mag-guest sa …

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

Sheryl Cruz, Leandro Baldemor, Rosemarie Sarita, Zyren dela Cruz MPK

MPK sa Sabado nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales NAKAKIKILABOT ang upcoming brand new episode ng real life drama anthology …