Friday , October 29 2021
Manuel Chua Jr, Arjo Atayde, Nikko Natividad
Manuel Chua Jr, Arjo Atayde, Nikko Natividad

Hindi kami inabandona ni Arjo — Manuel at Nikko

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KASAMA pala si Manuel Chua, Jr. sa pelikulang ginagawa ng Feelmaking Productions ni Arjo Atayde sa Baguio City at isa rin siya sa nagpositibo sa COVID-19 pero asymptomatic hindi katulad ng sa una na nasa kanya ang lahat ng sintomas ng nakamamatay na virus.

Ini-repost ni Manuel sa kanyang FB page ang pahayag ng attending physician ni Arjo, si Dr. Claudette Guzman Mangahas sa isang panayam at saka nilagyan ng caption ng una.

Ayon kay Manuel, ”Pakibasa po ng mabuti para po maintindihan. Salamat po.

“Hindi po kami inabandona ni Arjo Atayde, kami po una nya iniisip lagi, bago sarili niya.

“Sobra sobra po pag-aalaga ginawa n’ya samin. Mahal po namin si Arjo kaya kami man po ay gustong mauna na madala na siya talaga sa ospital dahil siya ang may symptoms samin at alam po namin na nahihirapan siya. Bilang kaibigan o kapamilya na ituring, hindi po namin kaya makita na nahihirapan siya.

“Nag-worry kami para sa kanya, ganu’n din ang pamilya n’ya syempre. Pero kahit po nauna na siya umalis at may kundisyon na s’ya na hindi maayos, lagi pa din niya kami tinatawagan at minomonitor. Wala pong pang-aabandona na nangyari, at wala pong pagpapabaya sa mga kasama na nagyari. Lahat po kami ay inalagaan ni Arjo at ng buong production ng Feelmaking. Hanggang ngayon po ay inaalagaan at inaasikaso kami ni Arjo, ng buong Familya Atayde, at ng Feelmaking Productions.

“Kumpleto po ang test namin during stay namin sa Baguio, wala po kami protocol na nasira at hindi din po kami ang nagdala sa Baguio ng virus.

“Hinihingi po namin ngayon ay dasal nyo po at panguunawa. Para po sa recovery ni Arjo Atayde, recovery ko, at ng aking mga kasama. ‘Wag n’yo po kami i-judge kaagad, mas kailangan po namin ang inyong simpatya at dasal. Hindi po namin intensyon na makapanakit ng ibang tao o makaperwisyo.

“May mga pamilya din po kami na iniisip, hindi po kami robot na basta magkakalat na lang at hindi iisipin mga tao nakapaligid sa amin. May mga uuwian din po kami na pamilya. Mga tao na may puso din po kami. Nasasaktan din po kami. Artista po kami, pero tao pa din kami. May puso po.

“Maraming maraming Salamat po sa mga nakakaunawa, sa mga nagdasal at nanalangin sa safety namin.

“Maraming maraming Salamat po sa buong Pamilya Atayde!

“Maraming maraming Salamat po sa Feelmaking Productions!

“Maraming maraming Salamat din sayo Brother Arjo! Pagaling ka Bro! Mahal ka namin.

“Maraming maraming Salamat po Dyos ko dahil hindi nyo po kami pinababayaan.”

Ganito rin ang kuwento ni Hashtag Nikko Natividad na ipinost niya sa kanyang Instagram account na kasalukuyang nasa hotel ngayon na ibinidyo pa ang kuwarto niya.

“Mga mader, fader naman oh!  Sino ba ‘yung nagkakalat at pinabayaan daw kami ni Arjo ha?  Sino ha?

“May pinabayaan bang ganyan (sabay pakita ng kuwarto)m, tignan mo naman!  Pakae-kape lang ako rito (sabay inom), kita n’yo nga, nakakapag –online pa nga ako oh (sabay pakita ng laptop).

“Paano n;yo sasabihing pinabayaan ha?  Kung pinabayaan kami sa lagay na ‘yabn, ano pa kaya ‘yung pinabayaan?

“Kasi kayo ha…ayaw ko na lang magsalita kasi bawal ma-stress nakaka-pangit ‘yan, e’no?

“Kung makapaggawa kayo ng istorya akala n’yo kasama namin kayo?  E, sa totoo lang may terrace pa ako oh?

(Sabay higa sa kama) ”Sige nga iharap n;yo nga sa amin ‘yung nagsasabing pinabayaan kami, ‘yung nagko-comment na ‘yan (sabay tapik sa camera ng cellphone).

“Minsan nga nagagalit pa ako kay Arjo at sa pamilya niya busog ka na, pinagmemeryenda ka pa!  Ayaw ko ng ganu’n!  Nahihirapan ako, eh.  Sa lahat hindi lang sa amin (mga artista), even sa staff, sa mga talent pinagme-meryenda inaalagaan, aming mga gamot gusto nyo ipakita ko ang vitamins?

“Kulang na lang bigyan ako ng Iphone 12 ni tita Ibyang, eh.  Kaya kayo huwag kayong gumawa ng istorya masama ‘yan!” pabirong kuwento ng aktor pero may diin.”

Umabot sa 145k views ang video na ito ni Hashtag Nikko at halos lahat ng komento ay nagsabing naka-work nila ang nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez at pinatunayang mabait at maalagang tao.

Well, marami ang makapagpapatunay kung paano nga mag-alaga si Ibyang ng katrabaho at mga kaibigan at lahat ng anak niya ay nakuha ang ugaling ito kaya sa sinabing iniwan ni Arjo ang mga kasama niya sa Baguio, maling-mali.

Tulad nga ng sinabi ni Manuel, kahit masama na ang pakiramdam ni Arjo habang pauwi ng Manila ay panay pa rin ang kumusta niya sa mga kasamahan at production team kung okay sila.

Sa kasalukuyan, nagpapalakas ngayon ang aktor at haharapin niya ang lahat ng mga isyung ibinabato sa kanya.

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Baguhang aktor boy toy ni Matinee Idol

ANG lakas ng tsismis na ang isa raw baguhang male star, na talaga namang pogi at sexy …

Mel Sarmiento, Kris Aquino, Herbert Bautista

Bistek happy kay Kris

I-FLEXni Jun Nardo SIMPLENG, ”I’m happy for her!” ang tweet ni senatoriable Herbert Bautista at post sa …

Paolo Contis, LJ Reyes, Aki Avelino, Summer Contis

LJ mas tahimik sa NY kaya wala pang balak bumalik ng ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon IYONG isa pang humiwalay din naman at mabuti’t hindi pa siya nakapag-pakasal, …

Kylie Padilla, Alas Joaquin Abrenica, Axl Romeo Abrenica

KYLIE PINURI NG PARI
(Tungkulin bilang asawa at ina nagampanan)

HATAWANni Ed de Leon PATI iyong isang pari na nagmisa noong Lunes ng umaga sa aming …

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Leave a Reply