‘FAKE health act’ ang kontrobersiyal na Vape Bill, kung kaya’t dapat itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang kanyang termino sa 30 Hunyo 2022. Ito ang nagkakaisang posisyon nina Senadora Pia Cayetano at isang grupo ng mga doktor na mariing tumututol sa pagsasabatas ng naturang panukala. Nauna rito, kinastigo ni Cayetano ang aniya’y ‘last-minute transmittal’ ng Kamara ng …
Read More »Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya
Panawagang pagkansela ng mga quarry sa Masungi, sinuportahan ni Belmonte
SUPORTADO ni QC Mayor “Joy” Belmonte ang panawagan na tuluyan nang kanselahin ang mga kasunduan sa quarrying sa Masungi Geopark Project at sa Upper Marikina Watershed. Matatandaang apat na alkalde ng mga siyudad sa Metro Manila at iba pang mga opisyal ang nagpahayag ng matinding pagkabahala sa hindi pagkansela ng DENR ng tatlong Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na sumasaklaw …
Read More »
Para sa ikalawang termino
GOV. FERNANDO NANUMPA NA
“WALA tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel Fernando para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa para sa kanyang ikalawang termino bilang ika-35 Gobernador ng Lalawigan ng …
Read More »France walang talo sa VNL’s QC Leg
IPINANALO lahat ng France ang apat nilang laro sa ikalawang linggo ng Volleyball Nation’sLeague (VNL). Kinumpleto ng Olympic champions France ang apat na sunod na panalo sa Quezon City leg nang gibain nila ang Germany nung Linggo ng umaga, 25-16, 25-19, 19-25, 25-21. Si Earvin Ngapeth na ipinahinga sa nakaraang laro ay may dalawang blocks para tumapos ng 18 puntos …
Read More »Syria giba sa Gilas sa FIBA Asia U16 Division B
MANILA, Philippines—Nananatiling walang talo ang Gilas Pilipinas Women nang paluhurin nila ang Syria 92-86 sa pagpapatuloy ng 2022 FIBA Under-16 Women’s Asian Championship Division B nung Sabado sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan. Pinanungahan ni Yumul ang atake ng kababaihang Gilas nang tumikada ito ng 33 puntos, na may shooting na 9-of-14 sa tres, para ilista ng mga batang …
Read More »Canelo-Bivol rematch mangyayari sa 175 pounds
KINOMPIRMA ni Canelo Alvarez na kung matutuloy ang rematch nila ni Dmitry Bivol, mangyayari ang laban sa timbang na 175 pounds dahil ayaw niyang gumawa ng anumang alibi kung ano man ang kalalabasan ng laban. Nang unang una silang naglaban sa nasabing timbang na dinomina siya ng kampeon ay walang palusot si Alvarez kung bakit siya natalo via unanimous decision. …
Read More »Tacloban, Pagadian tigbak sa Laguna sa PCAP online chess tourney
MANILA—Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nitong Sabado, Hunyo 25, 2022. Giniba ng Laguna ang Tacloban, 15.5-5.5, at Pagadian, 18-3, tungo sa 14-7 karta. “Team effort pulled us through these two matches,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile …
Read More »UMak kampeon sa ched sports friendship games
TINANGHAL na overall champion ang University of Makati (UMAK) Herons varsity chess team sa katatapos na national chess tournament ng Commission on Higher Education (CHED) Sports Friendship Games 2022 Team na ginanap nitong Hunyo 23 hanggang 25 sa Quezon Memorial CIrcle sa Quezon City. Pinangunahan ni team captain Japeth Jay Tandoc, ang UMAK Herons team ay giniba ang matindi nilang …
Read More »
Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE
SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, naglunsad ang mga operatiba ng Rizal MPS ng Manhunt Charlie Operation sa Purok 5, Brgy. Cabucbucan, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Sa pitong araw na SACLEO sa Bulacan
P1.1-M DROGA NASABAT, 413 PASAWAY TIMBOG
NASAMSAM ang mahigit sa P1.1-milyong halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 413 law offenders sa inilunsad na isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 27 Hunyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, inaresto ang 125 indibidwal sa serye ng anti-drug bust na ikinasa ng Station …
Read More »
Bangka tumaob sa dagat
4 MANGINGISDA NALUNOD, PATAY ISA NAWAWALA
APAT mangingisda ang nalunod at namatay habang hindi pa nahahanap ang isa, matapos tumaob sa dagat ang sinasakyan nilang bangka sa bayan ng Bagac, lalawigan ng Bataan, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon sa ulat ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, kinilala ang mga namatay na sina Alexander Mesina, Tirso De Guia, Edgar Balboa, at Gregorio Limboc. Nabatid, …
Read More »
Sa San Pablo Laguna,
2 MOST WANTED SA ARESTADO
NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang nakatalang most wanted person ng lalawigan ng Laguna sa ikinasang manhunt Charlie operation ng San Pablo CPS nitong Linggo, 26 Hunyo. Sa ulat kay P/Col. Cecilio Ison, Jr., kinilala ang unang inarestong suspek na si Marlon Benito, 46 anyos, construction Worker, at nakatira sa Barangay II-A, sa nabanggit na lungsod. Ayon kay P/Lt. Col. …
Read More »Mag-utol timbog sa panloloob sa e-bikes shop
BULILYASO ang dalawang lalaking mag-utol nang mahuli ng mga awtoridad habang nagnanakaw sa isang e-bikes shop sa Las Piñas City, Lunes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga dinakip na sina Marvin Torion, 22 anyos, at Ricky Torion, 19. Base sa ulat ng Las Piñas City Police, bandang 2:35 am nang mahuli ang mga suspek ilang oras pagkatapos looban …
Read More »Kinuyog na MMDA enforcers naghain ng reklamo vs riders
NAGSAMPA ng kaso ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga nambugbog sa kanilang mga tauhan. Kasong physical injury at direct assault to person in authority ang isinampang kaso kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ng naturang ahensiya. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ang anim na tauhan nilang nabugbog ay sina Jose Zabala, Adrian Nidua, …
Read More »
Bakal na takip ng drainage iniskor
2 BASURERO ARESTADO 
BAGSAK sa kulungan ang dalawang basurero matapos maaktohang tinatangay ang takip na bakal ng daluyan ng tubig sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Nahaharap sa kasong Theft ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Troy Maglinas, 21 anyos, at Jamuel Mateo, 18 anyos, kapwa residente sa Dumpsite Sitio 6, Brgy., Catmon ng nasabing siyudad. Batay sa imbestigasyon nina P/SSgt. Mardelio …
Read More »Makinista binaril sa ulo ng kalugar
PATAY ang 41-anyos machine operator habang papasok sa kaniyang trabaho nang barilin ng kaniyang kapitbahay sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktima na si Celerino Rivas Bertiz, 41, biyudo, machine operator, residente sa B3 L2 Joan of Arc, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Kinilala ang suspek na si Arjay Renoso Ibañez, naninirahan sa Margarita St., Brgy. …
Read More »EDSA-Timog Service Road sarado sa bikers at riders
PANSAMANTALANG ipinagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan sa EDSA Timmog service road g mga bikers at riders. Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, para maiwasan maipit sa daloy ng mga sasakyan kaya pinaiwas niya ang mga biker at riders. “Hindi na po natin pinapayagan ang mga bisikleta at motorsiklo sa service road dahil nga para maiwasan …
Read More »Male bold star umokey sa booking dahil sa kawalan ng raket
ni Ed de Leon TUMAWAG daw ang isang dating male bold star sa isang taga-showbiz din, at nakikiusap na baka puwede siyang tulungang makahanap ng raket: ”kahit na ano.” Sabi daw niyon, “kung talagang walang raket kahit na booking payag na ako.” Mukhang dumating na nga sa kanya iyong panahong sayad na sayad na ang kanyang kabuhayan, pero sino pa ba naman ang papansin sa …
Read More »Ken sa pagbubuntis ni Rita: I am so proud of you
MATABILni John Fontanilla MATAPOS ianunsiyo ni Rita Daniela sa social media ang kanyang pagbubuntis, agad nagbigay ng mensahe ang kanyang kaibigan at ka-loveteam na si Ken Chan na idinaansa kanyang Facebook. Ani Ken, “To you and your baby, Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely …
Read More »Rochelle pinaringgan si female star na pinaplastic siya
MA at PAni Rommel Placente TILA may pinatamaang isang female star si Rochelle Pangilinan sa kanyang Facebook account na aniya ay pinaplastik siya. Facebook post ni Rochelle, “Napaplastikan ako sa gurl, ba’t ganern… feeling sikat na sikat ka. Ba’t ganern…. “Kapag nakaharap ako, ate ang tawag mo sa kin, kapag nakatalikod ako, same pa din kaya? Ba’t ganeeeern?!” Siguro kaya nakapag-post ng ganito si Rochelle …
Read More »Lolit muling pinatutsadahan si Bea
MA at PAni Rommel Placente NAGPATUTSADA na naman si Lolit Solis kay Bea Alonzo at idinaan niya ito sakanyang Instagram account. Ikinompara ni Manay Lolit si Bea kay Marian Rivera. Na aniya, sa bagamat may dalawang anak na si Marian, mas mukhang nanay pa umanong tingnan si Bea kaysa misis ni Dingdong Dantes. Post ni Lolit, “Nagtataka ako Salve kung bakit 2 na anak ni Marian Rivera, …
Read More »Newbie singer-songwriter na si Denj may gustong patunayan
MATAGUMPAY na nailunsad ang sinle ni Denj ng Viva Records, ang Mamaya noong June 25, 2022 na ginanap sa roofdeck event venue ng Maxx Hotel, Makati. Ayon kay Denj sobra-sobra ang tuwa niya dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang Hanpicked Management ni Eli Luna gayundin ng Viva Records para lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman sa pagko-compose ng mga awitin. “Masaya po ako na finally ay heto …
Read More »Ice nagka-depresyon, nagpa-iyak sa Dito Ka Lang
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pala biro ang pinagdaanang depresyon ni Ice Seguerra. Naikuwento niya ito sa isinagawang Healthy Pilipinas Short Film Festival. Isa sa anim na short film ang entry niyang, Dito Ka Lang. Kaya naman halos napaiyak ang lahat ng nanood sa kuwento ng singer-songwriter sa kanyang pinagdaanang depresyon. Ipinalabas ang anim na tampok na short films na may iba’t ibang …
Read More »
Maid in Malacanang walang babaguhin
Mga totoong pangyayari ilalahad
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IGINIIT ni Sen. Imee Marcos na wala silang babaguhin sa paglalahad ng mga totoong nangyari sa huling tatlong araw ng kanilang pamilya sa Malacanang Palace na mapapanood sa pelikula ng Viva Films, ang Maid in Malacanang na ididirehe ni Darryl Yap. Sa digital media conference kamakailan sinabi ni Imee na walang ‘historical revisionism’ na magaganap sa paglalabas ng istorya sa Maid in …
Read More »
JC Santos handa na uling mag-topless
(Thankful sa alaga ng BeauteHaus)
PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUONG ningning at full of confidence na inihayag ni JC Santos na handa na siyang mag-topless ulit sa kanyang susunod na pictorials, TV, at movie projects ngayong gumanda na ulit ang hubog ng kanyang katawan matapos sumailalim sa non-invasive body sculpting at slimming treatments sa ineendoso niyang BeauteHaus clinic. “Noong 2018 and 2019 ‘yun ang panahon na pinakagusto ko ‘yung katawan ko …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com