Friday , August 12 2022
Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie

KyChie magsasabog ng kilig at good vibes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TALAGANG nagkanya-kanya na sina Kyle Echarri at Francine Diaz. Sa latest offering ng iWantTFC na Beach Bros, etsapuwera na ang tambalan ng KyCine sa paghahatid ng kilig at good vibes dahil ang makakasama ni Kyle ay ang dating PBB Kumunity celebrity edition housemate na si Chie Filomeno gayundin sina Angelica Lao, Kira Balinger, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.

Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie Angelica Lao Kira Balinger Brent Manalo Beach Bros

Kaya ang KyChie na ang bibida sa unang iWantTFC original series na Beach Bros. Bago ang pagsasama ng KyChie, naging item na sila nang ilahad ni Chie na may crush siya sa fellow PBB housemate. Kaya posibleng hindi lang ito ang unang pagsasama ng dalawa kapag nag-click sila sa latest offering ng iWantTFC

Mapapanood nang libre ang feel-good serye sa Hulyo 16, na ang istorya ay tungkol sa guwapong binata na si Dave (Kyle) at ang barkada niyang kilala bilang “Baler Boys” na sina Billy, Jeremy, Jason, at Pete (Lance, Sean, Brent, at Raven). 

Kyle Echarri Chie Filomeno KyChie Angelica Lao Kira Balinger Brent Manalo Beach Bros

You only live once” ang life motto ng kanilang grupo kaya naman nagsusumikap sila bilang mga waiter at pool boy sa isang enggrandeng resort para matupad ang pangarap nilang manirahan sa Manila.

Kahit sinasakyan nila ang mga kalokohan ng isa’t isa, mayroon pa rin silang pinagdadaanan na mga pagsubok sa kani-kanilang buhay. Desperado si Dave na kumbinsihin ang kanyang ina na payagan siyang mag-aral sa Manila; nagkakalabuan naman si Billy at ang kanyang matinong girlfriend na si Yasmine (Angelica); si Jason ay may lihim na pagtingin kay Erika (Kira); habang si Pete naman ay may itinatagong feelings para sa kanyang best friend. 

Magbabago ang buhay ng kanilang barkada nang makilala nila si Nicole (Chie), isang misteryoso at sexy na babaeng tila tutulong sa kanilang barkada kung paano maging wais sa kanilang mga desisyon. 

Mapapalapit si Nicole sa kanila, lalong-lalo na kay Dave na patay na patay na sa kanya. Ngunit malalaman ng grupo na mayroon pa lang ibang pakay si Nicole at may itinatagong sikreto na maaaring ikapahamak nilang lahat. 

Ang Beach Bros ay idinirehe ni Victor Villanueva at mapapanood nang libre sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) simula sa Hulyo 16. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Ang Probinsyano

Netizens nakatutok pa rin sa mga serye

COOL JOE!ni Joe Barrameda KAHIT nabuhay muli ang mga pelikula ay patuloy pa rin ang …

Clark Samartino

Clark Samartino handang harapin ang intriga sa showbiz

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang kauna-unahang alaga ng  businesswoman na si Mommy Merly Peregrino na si Clark Samartino na …

James Reid Liza Soberano

James at Liza 2geder sa Hawaii

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN sa social media ang litratong ipinost ni James Reid kasama ang kanyang talent …

Matteo Guidicelli Alex Gonzaga

Matteo Guidicelli inasar ni Alex Gonzaga

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PABIRONG inasar ni Alex Gonzaga ang Tropang LOL co-host niyang si Matteo Guidicelli na panoorin ang bagong …

Maja Salvador Pooh RK Bagatsing

Maja pasado sa comedy; sitcom nag-trending

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATUNAYAN ni Maja Salvador na hindi lang siya magaling sa drama kundi pati …